Transmiter

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang isang transmisor na pangradyo ay kadalasang bahagi ng sistema ng komunikasyong pangradyo na gumagamit ng electromagnetic wave (radio wave) para magbahagi ng impormasyon (sa kasong ito ay tunog) sa malayong distansiya.

Sa larangan ng elektroniks at telekomunikasyon, ang transmiter, panradyong transmiter o transmisor ay isang de-kuryenteng aparato na lumilikha ng radio waves sa tulong ng kanyang antena. Nakalilikha ang transmiter ng sariling radio frequency alternating current na siyang natatanggap ng antena. Dahil sa epekto nito, nakagagawa ito ng radio waves. Higit pa roon, may mahalagang papel na ginagampanan ang transmiter sa mga de-kuryenteng kasangkapan na ginagamitan ng panradyong komunikasyon tulad ng telepono, wireless computer networks, mga gadyet na may Bluetooth at mga pintuan ng garahe; gayundin sa larangan ng nabigasyon, mga sasakyang panghimpapawid, pandagat, pangkalawakan, at radar set. Gayunpaman, limitado lamang ito sa mga aparatong pangkomunikasyon na nakalilikha ng radio waves o radyolokasyon tulad ng radar at transmiter na pangnabigasyon. Ang mga dyeneretor ng radio waves na ginagamit sa pagpapainit at sa iba pang larangan ng industriya, tulad ng microwave oven at diathermy equipment, ay hindi madalas tawagin na transmiter kahit na ito ay may kahawig na circuit.

Kadalasang ginagamit ang salitang ito upang tumukoy sa brodkast transmiter, na karaniwang ginagamit sa brodkasting, partikular sa panradyo (FM) o pantelebisyon. Ito rin ay kadalasang sumasaklaw sa paggamit ng tamang transmiter, antena, at sa istrukturang kinalalagyan nito.

Hindi sumasaklaw ang paggamit ng salitang ito na may kaugnayan sa prosesong industriyal. Isinasaad dito na ang transmiter ay kasangkapang telemetry na kung saan ginagawang signal ang mga datos mula sa sensor at naipadadala gamit ang kable na siyang matatanggap ng display o control device sa malayong lugar.

Transmisor na pang-radyo

Pangkontenetal na Fm transmisor 816R-5B 35 kW, na pagmamay-ari ng isang estasyong FM sa Amerka na KWNR na may 95.5 MHz sa Las Vegas
Makabagong amateur radio transceiver, ang ICOM IC-746PRO.
Isang transceiver, isang two way radio na nagtratransmit sa 27 MHz na may lakas na 4 W

Mga produktong naglalaman ng transmisor

Naglalaman ang parehong handset at ang cordless phone ng mamabang lakas na 2.4 GHz para makakonek ang bawat isa.
Isang kontrol para sa garage door opener na may mababang 2.4 GHz na nagbibigay ng utos na magbukas at magsara ng pinto ng garahe.
Isang RFID chip (sunod sa palay) na naglalaman ng maliit na transmisor na nagtratransmit ng isang numerong pangidentipikasyon.
Sa wireless computer network, naglalaman ang isang wireless router ng 2.4 GHz trasmisor sa mga lokal na kompyuter.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wiktionary
Tingnan ang Transmiter sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.