Trentino-Alto Adigio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Trentino-Alto Adige)
Trentino-Alto Adigio

Trentino-Alto Adige/Südtirol  (Italyano)
Trentino-Südtirol  (Aleman)
Trentin-Südtirol  (Ladin)
Watawat ng Trentino-Alto Adigio
Watawat
Eskudo de armas ng Trentino-Alto Adigio
Eskudo de armas
Trentino-South Tyrol in Italy.svg
BansaItalya
KabeseraTrento
Pamahalaan
 • PanguloMaurizio Fugatti (Lega)
Lawak
 • Kabuuan13,606.87 km2 (5,253.64 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2019-01-01)
 • Kabuuan1,072,276
 • Kapal79/km2 (200/milya kuwadrado)
 • Official languages[1]
Italyano
Aleman (Timog Tirol)
 • Other languages
in some municipalities:
Ladin
Mocheno
Cimbrian
DemonymIngles: Trentino-Alto Adigan or Trentino-South Tyrolean
Italyano: Trentino (man)
Italyano: Trentina (woman) or
Italyano: Altoatesino (man)
Italyano: Altoatesina (woman) or
Italyano: Sudtirolese
Aleman: Südtiroler (man)
Aleman: Südtirolerin (woman)
Citizenship
 • Italian93%
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
ISO 3166 codeIT-32
GDP (nominal)€41.7 billion (2017)[3]
GDP per capita€39,200 (2017)[4]
NUTS RegionITD
Websaytwww.regione.taa.it

Ang Trentino-Alto Adigio o Trentino-Alto Adige/Südtirol[5] (EU /trɛnˌtn ˌɑːlt ˈɑːd/,[6] NK /ʔdɪʔ,_ʔ ˌælt ˈædɪ/;[7][8] Italyano: Trentino-Alto Adige [trenˈtiːno ˈalto ˈaːdidʒe]; Aleman: Trentino-Südtirol;[9] Ladin: Trentin-Südtirol)[10] ay isang nagsasariling rehiyon ng Italya, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa. Ang rehiyon ay may populasyon na 1.1 milyon, kung saan 62% ang nagsasalita ng Italyano bilang kanilang sariling wika, 30% ang nagsasalita ng Surtiroles na Aleman at ilang wikang banyaga ay sinasalita ng mga komunidad ng imigrante.[11] Mula noong dekada '70, karamihan sa mga lehislatibo at administratibong kapangyarihan ay inilipat sa dalawang lalawigang nagsasariling pamumuno na bumubuo sa rehiyon: ang Lalawigan ng Trento, karaniwang kilala bilang Trentino, at ang Lalawigan ng Bolzano, karaniwang kilala rin bilang Timog Tirol (Alto Adige sa Italyano).

Mula sa ika-9 na siglo hanggang 1801, ang rehiyon ay bahagi ng Banal na Imperyong Romano. Matapos maging bahagi ng panandaliang Republikang Napoleoniko ng Italya at Napoleonikong Kaharian ng Italya, ang rehiyon ay bahagi ng Imperyong Austriaco at ang kahalili nitong Austria-Unggarya mula 1815 hanggang 1919 na paglipat nito sa Italy sa Tratado ng Saint-Germain-en-Laye sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kasama ang Austriakong estado ng Tirol, ito ay bahagi ng Eurorehiyon Tirol-Tirol del Sur-Trentino.

Sa Ingles, ang rehiyon ay kilala bilang Trentino-South Tyrol[12] o sa Italyano nitong pangalan na Trentino-Alto Adige.[13]

Demograpiko[baguhin | baguhin ang source]

Historical population
TaonPop.±%
1921661,000—    
1931666,000+0.8%
1936669,000+0.5%
1951729,000+9.0%
1961786,000+7.8%
1971842,000+7.1%
1981873,000+3.7%
1991890,000+1.9%
2001940,000+5.6%
20111,037,000+10.3%
20191,072,276+3.4%

Ang rehiyon ay may populasyon na humigit-kumulang 1,072,276 katao (541,098 sa Trentino at 531,178 sa Timog Tidol). Ang densidad ng populasyon sa rehiyon ay mababa kung ihahambing sa Italya sa kabuuan. Noong 2008, ito ay katumbas 77.62 inhabitants per square kilometre (201.0/sq mi), samantalang ang katamtaman na bilang para sa Italya 201.50 per square kilometre (521.9/mi kuw). Ang densidad ng populasyon sa Trentino 86.56 inhabitants per square kilometre (224.2/sq mi), bahagyang mas mataas kaysa sa nakarehistro sa Timog Tirol na katumbas 70.14 per square kilometre (181.7/mi kuw). Magmula noong 2011, ang Pambansang Suriang Estadistika ng Italya (ISTAT) ay tinantiya na 90,321 dayuhan ang naninirahan sa rehiyon sa kabuuan, katumbas ng 8.55% ng kabuuang populasyon ng rehiyon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. Sonderstatut für Trentino-Südtirol, Article 99, Title IX. Region Trentino-Südtirol.
  2. "Statistiche demografiche ISTAT". Tinago mula sa orihinal noong 3 March 2016. Nakuha noong 2 October 2009.
  3. "Eurostat – Tables, Graphs and Maps Interface (TGM) table". Epp.eurostat.ec.europa.eu. 12 August 2011. Nakuha noong 2 September 2019.
  4. "Regional GDP per capita ranged from 31% to 626% of the EU average in 2017" (Nilabas sa press). European Commission. Nakuha noong 2 September 2019.
  5. Constitution of Italy, Part II: Organisation of the Republic (Art. 116)
  6. "Trentino-Alto Adige". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
  7. "Trentino-Alto Adige". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 6 May 2019.
  8. "Trentino-Alto Adige". Oxford Dictionaries UK English Dictionary. Oxford University Press.[patay na link]
  9. "Trentino-Alto Adige/Südtirol Region" (PDF). Official website of the Trentino-Alto Adige/Südtirol Region. 2009. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 26 Nobiyembre 2018. Nakuha noong 20 February 2009. {{cite web}}: Pakitingnan ang mga petsa sa: |archive-date= (tulong)
  10. Vibrations, Zeppelin Group – Good. "L'Istitut per la pension d'enjonta – Pensplan". Nakuha noong 8 April 2017.
  11. "Popolazione residente al 1° gennaio". Istituto Nazionale di Statistica. Nakuha noong 22 June 2021.
  12. "Province of Bolzano/Bozen". Official website of the Autonomous Province of Bolzano/Bozen. 2009. Tinago mula sa orihinal noong 20 December 2002. Nakuha noong 20 February 2009.
  13. "Special Statute of the Trentino-Alto Adige/Südtirol Region" (PDF). Official website of the Autonomous Province of Bolzano/Bozen. 2009. Nakuha noong 20 February 2009.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang source]

Padron:Italy topics