Tsaang gubat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Tsaang gubat
Starr 010425-0048 Carmona retusa.jpg
Bulaklang, prutas at dahon
Klasipikasyong pang-agham edit
Kingdom: Plantae
Clade: Tracheophytes
Clade: Angiosperms
Clade: Eudicots
Clade: Asterids
Order: Boraginales
Family: Boraginaceae
Genus: Carmona
Species: C. retusa
Pangalang binomial
Carmona retusa
Synonym
  • Cordia retusa Vahl
  • Ehretia microphylla Lam.
  • Carmona microphylla (Lam.) G.Don
  • Ehretia buxifolia Roxb.

Ang tsaang gubat (Ehretia microphylla o Carmona retusa) ay isang espesye ng halamang namumulaklak sa pamilya ng Boraginaceae. Isa itong palumpong na maaring tumaas hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay kadalasang nasa 10-50 milimetro ang haba at 5-30 milimetro ang lapad at maaaring magkakaiba ang laki, yari, kulay at gilid. Mayroon itong mga maliliit na mga bulaklak na may 8-10 milimetro ang diametro na may 4-5 maumbok na talutot at mga drupe na 4-6 milimetro ang diametro, na nahihinog sa kulay mala-kayumangging kahel.[2][3]

Sa Pilipinas, isa sa sampung halamang-gamot na inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas ang tsaang gubat dahil sa kakayahan nitong gamutin ang mga sakit may kaugnayan sa mga balat.[4] Dahil sa bisa ng halamang-gamot na ito, ang tsaang gubat ay rehistrado sa Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Pilipinas bilang isang lehitimong halamang gamot.[5] Ginagamit din ito para panggamot sa ubo, apad, pagtatae at pag-iiti.[3] Sikat din ang halamang ito sa Penjing sa Tsina.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Masamune (1940).
  2. Flora of Australia Online.
  3. 3.0 3.1 Starr et al. (2003).
  4. Pamintuan, Ana Marie (Disyembre 29, 2014). "Local cures". The Philippine Star (sa Ingles). Hinango noong Pebrero 15, 2018.
  5. "Carmona Retusa (Vahl.) Masam (Tsaang Gubat Leaf) -Gastropan". fda.gov.ph (sa Ingles). Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot. Hinango noong Pebrero 15, 2018.