Pumunta sa nilalaman

Unang misa sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Naganap ang unang misa sa Pilipinas noong araw ng Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31, 1521[1] sa isang pulo ng Mazaua ayon sa mga saksing sina Antonio Pigafetta, Gines de Mafra, Francisco Albo, ang Henoes na piloto, at Martín de Ayamonte, sa lokasyon na malawakang tinatawag sa ngayon —bagaman may kamalian—bilang Limasawa, isang maliit na pulong bayan sa dulo ng lalawigan ng Katimugang Leyte, na sinasabi ring pinagsilangan ng Romanong Katolisismo sa bansa.

Idinaos ang makasaysayang pangyayari nang naitakdang dumaong ang Portuges na nabigador na si Fernando Magallanes sa kanluraning daungan ng pulo ng Mazaua.

  1. Valencia, Linda B. "Limasawa: Site of the First Mass". Philippines News Agency. Ops.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-15. Nakuha noong 2007-11-12. {{cite news}}: Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.