Unibersidad ng Auburn
Ang Unibersidad ng Auburn (Ingles: Auburn University, AU o Auburn ) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at land-grant university sa Auburn, Alabama, Estados Unidos. Ang Auburn ay ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa Alabama. Ito ay isa sa dalawang pampublikong pangunahing unibersidad sa nasabing estado.
Ang Auburn ay binigyan ng charter noong Pebrero 1, 1856, bilang East Alabama Male College, [1] isang pribadong liberal arts school na kaanib sa Methodist Episcopal Church, South. Noong 1872, sa ilalim ng Morrill Act, ito ang naging unang pampublikong unibersidad ng estado at pinalitan ng pangalan bilang Agricultural and Mechanical College ng Alabama. Sa taong 1892, ito ay naging ang unang apat-na-taong paaralang koedukasyonal sa Alabama, at noong 1899 ay naging Alabama Polytechnic Institute (API) upang isalamin ang pagbabago sa misyon nito. Noong 1960, ang pangalan nito ay binago sa kasalukuyang anyo upang kilalanin ang iba't ibang mga programang akademiko at ang mas malaking kurikulum ng isang pangunahing unibersidad.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ About Auburn Naka-arkibo 2012-12-02 sa Wayback Machine. Office of Undergraduate Recruiting and University Scholarships. Hinago noong: Agosto 20, 2012.
32°36′12″N 85°29′10″W / 32.6034°N 85.4861°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.