Unibersidad ng Bahamas
Ang Unibersidad ng Bahamas (Ingles: University of the Bahamas; UB; noon ay kilala bilang Kolehiyo ng Bahamas o College of the Bahamas (COB) sa Ingles) ay ang pambansang pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Komonwelt ng Bahamas na may mga kampus sa buong kapuluan. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa kabisera ng lungsod ng Nassau, sa isla ng New Providence.
Pagkatapos ng higit sa tatlumpung-limang taon ng paglilingkod sa Bahamas, noon ay isang two-year institution at naging four-year degree-granting institution, inaasahang magiging unibersidad ang Kolehiyo ng Bahamas. Bilang bahagi ng transisyon nito, ang institusyon ay patuloy na maghahatid ng programa sa antas undergraduate habang binubuo ang bagong mga mga programa sa antas undergraduate at gradwado, at habang pinapataas ang mga aktibidad sa pananaliksik at inobasyon, at habang nakafokus sa mga larang na mahalaga sa pambansang kaunlaran. Ang Unibersidad ng Bahamas ay binigyang-tsarter noong 10 Nobyembre 2016.
25°03′42″N 77°21′12″W / 25.0617°N 77.3533°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.