Unibersidad ng Bamako
Ang Unibersidad ng Bamako (Pranses: Université de Bamako; Ingles: University of Bamako) ay isang pampublikong unibersidad sa Bamako, kabisera ng Mali. Ito ay kilala rin bilang Unibersidad ng Mali.
Binuksan noong 1996, ang unibersidad ay merong siyam na mga kampus sa buong lungsod. Ang institusyon ay nilikha sa pamamagitan ng Batas 93-060 ng noong Setyembre 1993, ngunit hindi sinimulan ang operasyon hanggang Nobyembre 1996. Noon lamang 2000 natapos ang mga istruktura sa lahat ng kampus. Noong 2000, mayroong 19,714 mag-aaral at 538 instruktor sa lahat ng siyam na kampus. Noong 2007, ang Unibersidad ng Bamako ay may higit sa 60,000 mag-aaral at humigit-kumulang 600 instruktor.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.