Unibersidad ng Bangui
University of Bangui | |
---|---|
L’Université de Bangui | |
Itinatag noong | 1969 |
Uri | Public |
Rektor | Georgette Florence Koyt Deballé |
Mag-aaral | ~6,500 |
Lokasyon | , |
Apilasyon | AUF, CRUFAOCI |
Websayt | univ-bangui.org |
Ang Unibersidad ng Bangui (Pranses: L’Université de Bangui; Ingles: University of Bangui) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Bangui, Republika ng Gitnang Aprika.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang pagsasarili ng Oubangui-Chari (na naging Republika ng Gitnang Aprika), karamihan sa mga mag-aaral na nais tumuntong sa mas mataas na edukasyon ay tumutungo sa mga unibersidad sa Pransiya. Matapos ang kasarinlan ng 1958, nakibahagi ang bansa sa Foundation for Higher Education in Central Africa (FESAC). Sinasakop ng FESAC ang ilang mga dating kolonyang Pranses, ang bawat isa ay may paaralan o instituto sa isang tukoy na fokus. Sa loob ng FESAC, mayroong institutong agrikultura ang Republika ng Gitnang Aprika.
Ang FESAC ay nagsimulang maipahinto sa bahagi ng 1960. Kaya naman, noong Nobyembre 12, 1969, ang Unibersidad ng Bangui ay nilikha ng gobyerno sa pamamagitan ng ordinansa. Pinalawak ng Unibersidad ng Bangui ang tuon nito sa pag-aaral sa agrikultura upang isama pang-agham na pananaliksik, batas, ekonomiks, pag-unlad na rural, at humanidades.
4°22′32″N 18°33′48″E / 4.37564°N 18.56335°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.