Unibersidad ng Concepción
Itsura
Ang Unibersidad ng Concepción (Español: Universidad de Concepción, UdeC, Ingles: University of Concepción), ay isang tradisyonal na pribadong unibersidad ng Chile, isa sa pinakatradisyunal at pinakaprestihiyoso sa buong bansa. Itinatag noong Mayo 14, 1919, ito ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Chile, at isa sa 25 unibersidad na kabilang sa Council of Rectors of Chilean Universities.
Ang punong-tanggapan nito ay matatagpuan sa lungsod ng Concepción, at mayroon ding dalawang karagdagang kampus sa Chillán at Los Ángeles. Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.