Unibersidad ng Dar es Salaam
Ang Unibersidad ng Dar es Salaam (UDSM) ay isang pampublikong unibersidad sa Dar es Salaam, Tanzania.[1] Ito ay itinatag noong 1961 bilang isang affiliate college ng sa Unibersidad ng Londres. Ang unibersidad ay naging kasapi ng Unibersidad ng Silangang Afrika (UEA) noong 1963, matapos makamit ng Tanzania ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom. Noong 1970, ang UEA ay hinati sa tatlong mga independiyenteng mga unibersidad: Pamantasang Makerere sa Uganda, Unibersidad ng Nairobi sa Kenya, at ang Unibersidad ng Dar es Salaam.[2]
Noong 2012, iniranggo ng Scimago Institution Rankings ang unibersidad sa ika-3,021 posisyon sa buong mundo (sa hanay ng 3,290 niranggong mga institusyon), ika-57 sa Afrika, at ikalawa sa Tanzania sa ilalim ng Muhimbili University of Health and Allied Sciences. Ang pagraranggo ay batay sa kabuuang bilang ng mga dokumentong napablish sa journal na naindex sa Scopus database sa pamamagitan ng Elsevier.[3] . Ito ay isang sukatan ng kalidad ng awtput sa pananaliksik ng isang institusyon".[4]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Nkrumah Hall (panlabas)
-
Nkrumah Hall (interior)
-
Institute of Marine Sciences, Zanzibar
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Register of Universities" (PDF). Tanzania Commission for Universities. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Septiyembre 2015. Nakuha noong 15 Hulyo 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Welcome to the University of Dar es Salaam - Background". University of Dar es Salaam. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SIR World Report 2012: World Ranking" (PDF). Scimago Institutions Rankings. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SIR World Report 2011:: Africa Supplement" (PDF). Scimago Institutions Rankings. 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 6 Marso 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
6°47′S 39°13′E / 6.78°S 39.21°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.