Unibersidad ng Estado Tarlac

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tarlac State University
Pambansang Pamantasan ng Tarlac
TSULOGO.png
Opisyal na tatak
Itinatag noong 1906[1]
Uri Pampublikong pamantasan
Pangulo Dr. Myrna Q. Mallari[2]
Tagapangulo
(Board of Regent)
Dr. Ruperto Sangalang[3]
Komisyonado, CHED
Academic staff 255 tagapagturo[4]
Admin. staff 108 tagapamahala,
806 tauhan[4]
Mag-aaral 16,000 (2013)[5]
Lokasyon Lungsod ng Tarlac, Pilipinas
Mga koordinato: 15°29′6″N 120°35′15″E / 15.48500°N 120.58750°E / 15.48500; 120.58750
Kampus Main Kampus
Lucinda Kampus
San Isidro Kampus
Pahayagan The Work
Kulay Box Maroon and Gold Yellow.png Marun at Ginto
Nickname TSU Firefox
Apilasyon PASUC
AUAP
AUF
PSC
SCUAA
Websayt tsu.edu.ph

Ang Pambansang Pamantasan ng Tarlac (Ingles: Tarlac State University, dinadaglat bilang TSU) ay isang pampublikong pamantasan sa Lungsod ng Tarlac, Pilipinas. Ito ay itinatag noong 1906 bilang isang paaralang pangkalakalan at naging isang ganap na pamantasan noong ika-13 ng Oktubre, taong 1989 sa bisa ng Batas Republika Blg. 6764.

Ito ay kinikilala bilang pangunahing institusyon ng edukasyong tersiyaryo sa buong lalawigan ng Tarlac. Pinagkalooban ito ng Lebel 3-A na akreditasyon ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon at ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala dahil sa pagkakaroon nito ng mahusay na instruksiyon, aktibong paglahok sa mga programang pananaliksik at sa serbisyo nito sa komunidad.

Ang pamantasan ay may mandato na magbigay ng instruksiyon sa larangan ng literatura, pilosopiya, agham, at sining sa mataas na pamantayan.

Kampus[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang unibersidad ay may tatlong kampus sa lungsod at isang pang-internasyunal na kampus sa Hong Kong.

Ang Main (o pangunahing) Kampus nito ay matatagpuan sa Brgy. San Roque at ito ay may lawak na 1.2 hektarya. Anim sa mga kolehiyong inilalaan ng pamantasan (Kolehiyo ng Inhinyeriya, Sining at Agham Panlipunan, Abogasya, Pampublikong Administrasyon, atbp.) ay matatagpuan sa kampus na ito.

Ang Lucinda Kampus naman ay may lawak na sampong hektarya na matatagpuan sa Brgy. Binauganan, tatlong kilometro ang layo mula sa Main Kampus. Ang Kolehiyo ng Edukasyon at Kolehiyo ng Agham ay nasa kampus na ito.

Ang San Isidro Kampus naman ay nasa Brgy. San Isidro na may layong halos dalawang kilometro mula sa Main Kampus. Ito ay may lawak na walong hektarya. Narito naman ang Kolehiyo ng Teknolohiya at Kolehiyo ng Arkitektura at Sining.

Administrasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Pambansang Pamantasan ng Tarlac ay pinamamahalaan ng labing-isang miyembro ng Board of Regents nito. Ang kasalukuyang tagapangulo ay si Dr. Ruperto Sangalang, isang komisyonado ng CHED. Ang ibang miyembro ay itinalaga ng pamahalaan, mga presidente ng matataas na organisasyon sa unibersidad, at mga kinatawan ng pampribadong sektor.

Ang kabuuan ng unibersidad ay kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Myrna Q. Mallari, at tinutulungan ng apat na bise-presidente para sa academic affairs, finance and administration, research, extension and development, at student affairs.

Ang mga naitalagang opisyal ay may kapangyarihang mag-atas ng mga patakaran para sa pamantasan na naaayon sa batas.

Ang mga naging taga-pamuno ng unibersidad ay sina:

  • Dr. Mario Manese 1965-1972
  • Prof. Jack Smith (1972-1984)
  • Dr. Ernesto Cosme (1984-1990)
  • Dr. Alejandro Fernandez (1990-1994)
  • Dr. Rodolfo Baking (1994-1996)
  • Dr. Dolores G. Matias (1998-2006)
  • Dr. Priscilla C. Viuya (2006-2014)
  • Dr. Myrna Q. Mallari (2014-kasalukuyan)

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Tarlac State University History". Tarlac State University Official Website. https://www.tsu.edu.ph/media/210423/annualreport2009.pdf. Hinango noong 10 August 2015. 
  2. "University Administration". Tarlac State University Official Website. http://www.tsu.edu.ph/administration/officials. Hinango noong 10 August 2015. 
  3. "University Administration". Tarlac State University Official Website. http://www.tsu.edu.ph/administration/board-of-regents/. Hinango noong 10 August 2015. 
  4. 4.0 4.1 "University Profile". Tarlac State University Official Website. http://www.tsu.edu.ph/about-tsu/university-profile/. Hinango noong 17 August 2015. 
  5. "TSU population". finduniversity.ph. http://www.finduniversity.ph/universities/tarlac-state-university/. Hinango noong 17 August 2015. 

Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]