Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Gothenburg

Mga koordinado: 57°41′54″N 11°58′18″E / 57.698333333333°N 11.971666666667°E / 57.698333333333; 11.971666666667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aklatan

Ang Unibersidad ng Gothenburg (Suweko: Göteborgs universitet, Ingles: University of Gothenburg) ay isang unibersidad sa pangalawang pinakamalaking lungsod sa Sweden, ang Gothenburg.

Ang Unibersidad ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa bansa at may humigit-kumulang 37,000 mag-aaral at 6000 kawani. Ito rin ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa mga bansang Nordiko.

May walong mga kaguruan at 38 kagawaran, ang Unibersidad ng Gothenburg ay isang komprehensibong pamantasan. Ang walong kaguruan ay binubuo ng kreatibong sining, agham panlipunan, likas na agham, sining, edukasyon, teknolohiyang pang-impormasyon, negosyo, ekonomiks at batas, at agham pangkalusugan.

57°41′54″N 11°58′18″E / 57.698333333333°N 11.971666666667°E / 57.698333333333; 11.971666666667 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.