Unibersidad ng Helsinki
Ang University ng Helsinki (Pinlandes: Helsingin yliopisto, Suweko: Helsingfors universitet, Latin: Universitas Helsingiensis, Ingles: University of Helsinki, dinadaglat na UH) ay isang pamantasan na matatagpuan sa lungsod ng Helsinki, Finland simula pa noong 1829, ngunit itinatag sa lungsod ng Turku (sa Suweko ay Åbo) noong 1640 bilang Royal Academy of Turku, na noong mga panahong iyon ay bahagi ng Imperyong Suweko. Ito ang pinakamatanda at pinakamalaking unibersidad sa Finland na nag-aalok ng pinakamalawak na hanay ng mga disiplina. Humigit-kumulang 36,500 mag-aaral ang kasalukuyang nakaenrol sa mga programang inaalok sa unibersidad na nakakalat sa 11 fakultad at 11 surian sa pananaliksik.
Simula Agosto 1, 2005, ang Unibersidad ay sumunod sa pangkalahatang istrukturang itinakda ng Prosesong Bologna at nag-alok ng mga digring Batsilyer, Master, Lisensyado, at Doktoral.[1] Ang pagpasok sa digiring programa ay karaniwang natutukoy sa pamamagitan ng eksaminasyon, sa kaso ng bachelor's degree, at sa pamamagitan ng resulta ng mga naunang pag-aaral, sa kaso ng mga master at postgraduate degree. Selektibo ang pagpasok sa unibersidad (nasa 15% ng taunang mga aplikante ay tinatanggap). Ito ay kasalukuyang may ranggo bilang isa sa 100 nangungunang mga unibersidad sa mundo ayon sa 2015 ARWU, QS at THE Rankings.[2][3][4]
Ang university ay bilinggwal, ang pagtuturo ay opisyal na ibinibigay sa parehong sa Finnish at Suweko. Sa pangkalahatan, gayunpaman, ang unibersidad ay monolinggwal na Finnish, at ang mga kursong tinuturo sa Suweko ay mangilan-ngilan. Malawakang isinasagawa ang pagtuturo sa Ingles sa buong unibersidad sa antas Master, Licentiate, at Doktor, kaya masasabing ito ang de facto na ikatlong wika ng pagtuturo.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Collegium of Advanced Studies
-
Institute of Behavioural Sciences
-
Harding Botanikal ng Unibersidad ng Helsinki
-
Pangunahing Auditoryum
-
Minerva, Kagawaran ng Edukasyong Pangguro
-
Kumpula Campus Physicum
-
Ang bagong Main Library sa Kaisa House
-
Museum of Natural History
-
University ng Helsinki (Main Building)
-
Pambansang Aklatan ng Finland/Kansalliskirjasto
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Bologna Process at the University of Helsinki
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-18. Nakuha noong 2017-01-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World University Rankings". Top Universities. Nakuha noong 16 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World University Rankings 2016". Nakuha noong 16 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)