Pumunta sa nilalaman

Helsinki

Mga koordinado: 60°10′15″N 24°56′15″E / 60.17083°N 24.93750°E / 60.17083; 24.93750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Helsinki)
Helsinki

Helsingfors (Suweko)
Helsingin kaupunki
Helsingfors stad
City of Helsinki
Eskudo de armas ng Helsinki
Eskudo de armas
Opisyal na logo ng Helsinki
Wordmark
Mga palayaw: 
Stadi (ng city dwellers), Hesa (ng country people),[1] the Daughter of the Baltic,[2] the Pearl of the Baltic Sea[3]
Lokasyon ng Helsinki
Mga koordinado: 60°10′15″N 24°56′15″E / 60.17083°N 24.93750°E / 60.17083; 24.93750
Country Finland
Region Uusimaa
Sub-rehiyonHelsinki sub-region
Metropolitan areaHelsinki metropolitan area
Charter12 Hunyo 1550
Kabiserang Lungsod8 Abril 1812
Pamahalaan
 • MayorJuhana Vartiainen (Kok)
 • Governing bodyCity Council of Helsinki
Lawak
 (2018-01-01)[4]
 • Kabiserang Lungsod715.48 km2 (276.25 milya kuwadrado)
 • LupaPadron:Data Finland municipality/land area km2 (Formatting error: invalid input when rounding milya kuwadrado)
 • TubigPadron:Data Finland municipality/waters area km2 (Formatting error: invalid input when rounding milya kuwadrado)
 • Urban
680.12 km2 (262.60 milya kuwadrado)
 • Metro
May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - "[" km2 (Formatting error: invalid input when rounding milya kuwadrado)
Taas26 m (85 tal)
Populasyon
 (2019-01-31)[6]
 • Kabiserang Lungsod650,058
 • RanggoLargest in Finland
 • Kapal0/km2 (0/milya kuwadrado)
 • Urban
1,360,075
 • Densidad sa urban2,000/km2 (5,200/milya kuwadrado)
 • Metro
1,495,271 (metro)
Demonymhelsinkiläinen (Finnish)
helsingforsare (Swedish)
Helsinkian (English)
Sona ng orasUTC+02:00 (EET)
 • Tag-init (DST)UTC+03:00 (EEST)
Kodigo ng lugar+358-9
ClimateDfb
Websaythel.fi/en

Ang Helsinki (Suweko: Helsingfors; Lapon: Helsset) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Pinlandiya. Ito ay nasa rehiyon ng Uusimaa, matatagpuan sa timog Pinlandiya, sa baybayin ng Golpo ng Pinlandiya, na isang bisig ng Dagat Baltiko. Ang populasyon ng lungsod ng Helsinki ay 588,941 (base sa Enero 2011)[7], at dahil dito ay siyang pinakamataong bayan sa Pinlandiya. Ang Helsinki ay matatagpuan sa kulang-kulang na 400 km (250 mi) silangan ng Estocolmo, Swesya, 300 km (190 mi) kanluran ng San Petersburgo, Rusya at 80 km (50 mi) hilaga ng Tallinn, Estonya. Ang Helsinki ay may malalapit na kaugnayang pangkasaysayan sa tatlong lungsod na ito.

Ang Kalakhang Helsinki ay sumasaklaw sa lungsod ng Helsinki at tatlo pang ibang mga lungsod: Espoo at Vantaa, na agad na nasa tabi ng Helsinki sa kanluran at hilaga nito; at ang Kauniainen, na isang engklabe sa loob ng lungsod ng Espoo. Ang Kalakhang Helsinki ay ang pinaka-hilagang kalakhan sa daigdig sa mga may populasyong higit sa 1 milyong tao, at ang lungsod ay ang pinaka-hilagang kabisera ng isang kasaping-bansa ng Unyong Europeo. Sa bilang na 1.3 milyong tao, tinatayang isa sa apat na mga Pinlandes, ang nakatira sa dako ng Kalakhang Helsinki.

Ang Helsinki ay ang pangunahing sentrong pampolitika, pang-edukasyon, pansalapian, pangkultura at pangsaliksikan at gayon din ay isa sa mga malalaking lungsod ng Hilagang Europa. Tinatayang 70% ng mga dayuhang kompanya na umiiral sa Pinlandiya ay nakabase sa rehiyon ng Helsinki.[8]

Ang karatig-lungsod na Vantaa sa kalakhang Helsinki ay ang kinalalagyan ng Paliparan ng Helsinki-Vantaa, na may madalas na mga biyahe sa maraming destino sa Europa at Asya. Simula noong 2009, ang Helsinki ay nagpaplano ng pagkikipag-isa (merger) sa Vantaa. Noong 30 Marso 2009 and konsilyong panlungsod ng Vantaa ay sumang-ayon na suriin ang mungkahi ng posibleng pagsasama, habang idiniin na ang pagsusuri ay hindi tungkol sa maaaring pagkawala ng pag-iral ng lungsod ng Vantaa[9]. Noong 31 Enero 2011 ang konsilyong panlungsod ng Vantaa ay tumanggi sa mungkahi ng Helsinki ng posibleng pagsasama, na may 45 boto laban sa mungkahi habang may 22 na sang-ayon dito.[10]

Noong 2009, ang Helsinki ay pinili bilang World Design Capital para sa 2012[11] ng International Council of Societies of Industrial Design. Mahigpit ang naging labanan sa pagitan ng Helsinki at ng Eindhoven para sa titulong ito.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ainiala, Terhi (2009). "Place Names in the Construction of Social Identities: The Uses of Names of Helsinki". Research Institute for the Languages of Finland. Nakuha noong 22 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang nickname1); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang nickname2); $2
  4. "Area of Finnish Municipalities 1.1.2018" (PDF). National Land Survey of Finland. Nakuha noong 30 Enero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Helsinki elevation". elevation.city.fi. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2023. Nakuha noong 2 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Suomen virallinen tilasto (SVT): Väestön ennakkotilasto [verkkojulkaisu]. Tammikuu 2019" (sa wikang Finlandes). Statistics Finland. Nakuha noong 15 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Population Information System. Population Register Center of Finland. http://vrk.fi/default.aspx?docid=4258&site=3&id=0 Naka-arkibo 2014-09-19 sa Wayback Machine.. Retrieved 18 Pebrero 2011.
  8. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-02. Nakuha noong 2007-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-04. Nakuha noong 2011-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Helsingin Sanomat, 1 Pebrero 2011, pp. A12-A13.
  11. Worlddesigncapital.com. 2009-11-25. Retrieved 2010-04-13.