Unibersidad ng Karachi
Itsura
Ang Unibersidad ng Karachi (Ingles: University of Karachi, UoK, Urdu: جامعۂ كراچى; Sindhi: ڪراچي يونيورسٽي) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Karachi, Sindh, Pakistan. Ito ay isa sa pinakamatandang unibersidad sa Pakistan na itinatag bilang isang federal na unibersidad noong 1951. Ang punong arkitekto nito ay si Khan Bahadur Mirza Mohsin Baig.
Ang Unibersidad ay ang pinakamalaki sa Pakistan na may reputasyon para sa multidisiplinaring pananaliksik sa agham at teknolohiya, medisina, at agham panlipunan. Ang unibersidad ay mayroong 53 kagawaran at 19 instituto sa pananaliksik.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.