Unibersidad ng Kathmandu
Ang Unibersidad ng Kathmandu (Ingles: Kathmandu University o KU; (Nepali: काठमाण्डौ विश्वविद्यालय) ay isang institusyon na may-awtonomiya at di-panggobyerno. Ito ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Nepal, na matatagpuan sa Dhulikhel, Kavrepalanchok District, 30 km sa silangan ng Kathmandu. Ang KU ay itinatag noong 1991. Ang unibersidad na ito ay nagpapatakbo ng mga pasilidad at paaralan sa Dhulikhel, Lalitpur at Bhaktapur.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang panimula sa pagtatatag ng isang Unibersidad, isang grupo ng mga dedikadong tao ang nabuo upang maitatag ang Kathmandu Valley Campus (pribadong kampus na may apilyasyon sa Tri-bhuvan University) noong 1985 upang maghain ng edukasyon sa agham. Ipinanukala ng parehong grupo ang pagtatatag ng Unibersidad ng Kathmandu. Matapos ang masusing talakayan, ang Unibersidad ay naitatag sa pamamagitan ng isang Batas ng Parlamento noong Disyembre 11, 1991.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.