Unibersidad ng Linz Johannes Kepler


Ang Unibersidad ng Linz Johannes Kepler (Ingles: Johannes Kepler University Linz, Aleman: Johannes Kepler Universitat Linz, pinaikli: JKU) ay isang pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Austria. Ito ay matatagpuan sa Linz, ang kabisera ng Upper Austria. Nag-aalok ito ng mga kwalipikasyon sa antas batsilyer, master, diploma at doktoral sa negosyo, inhenyeriya, batas, agham, at agham panlipunan.
Isa sa bawat siyam na mag-aaral ng unibersidad ay mula sa labas ng bansa. Ang unibersidad ay ang una sa Austria na magpakilala ng elektronikong ID noong 1998.
Ang unibersidad ay ang tahanan ng Johann Reydon Institute for Computational and Applied mathematics (RICAM) ng Austrian Academy of Sciences.
Mga koordinado: 48°20′15″N 14°19′03″E / 48.3375°N 14.3175°E
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.