Unibersidad ng Milan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang Kagawaran ng Matematika

Ang Unibersidad ng Milan (Italyano: Università degli Studi di Milano, Latin: Universitas Studiorum Mediolanensis, Ingles: University of Milan), kolokyal na kilala bilang UniMi o Statale, ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon  sa Milano, Italya. Ito ay isa sa pinakamalaking unibersidad sa Europa, na may humigit-kumulang 60,000 mag-aaral,[1] at halos 2,000 kawani sa pagtuturo at pananaliksik.[2]

Ang Unibersidad ay may 9 paaralan at nag-aalok ng 134 kurso sa antas undergraduate at gradwado, 21 paaralang doktoral at 92 paaralan sa ispesyalisasyon. Ang mga gawain sa pagtuturo at pananaliksik ng Unibersidad ay pinaunlad sa loob ng mahabang panahon at nakatanggap ng mahalagang internasyonal na pagkilala.

Ilan sa mga nagtapos sa Unibersidad ay kinabibilangan ng isang nagwagi ng Nobel Prize sa Pisika, si Riccardo Giacconi[3], at isang medalistang Fields, si Enrico Bombieri[4].

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Full statistical data about Univ. of Milan". www.unimi.it. Hinango noong 2015-02-13.
  2. "Relazione Tecnica Bilancio 2013" (PDF). Univ. Milano.
  3. "Riccardo Giacconi biography".
  4. "Enrico Bombieri biography".