Unibersidad ng Niigata

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Main gate (Ikarashi Campus)

Ang Unibersidad ng Niigata (Hapones: 新潟大学 Niigata daigaku, Ingles: Niigata University) ay isang pambansang unibersidad sa Niigata, prepektura ng Niigata, Hapon. Ito ay itinatag noong 1949 at maiuugat ang kasaysayan nito sa Niigata Medical College (na itinatag noong 1922) at sa Niigata Higher School (itinatag noong 1919). Ito ay isa sa pinakamalaking pambansang unibersidad sa Dagat ng Hapon .

Ang unibersidad ay binubuo ng siyam na fakultad at pitong paaralang gradwado.[1] Ang pagpapatala ng mag-aaral ay humigit-kumulang na 12,000.

  1. "Niigata University: Faculties / Graduate Schools". Hinango noong 2010-04-29.