Unibersidad ng Qatar
Ang Unibersidad ng Qatar (Arabe: جامعة قطر; transliterasyon: Jami'at Qatar; Ingles: Qatar University o QU) ay isang pampublikong unibersidad sa bansang Qatar, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng kabisera Doha. Para sa taong 2014, mayroong higit-kumulang 16,000 mag-aaral ang pamantasan. Ang mga kurso ay itinuturo sa wikang Arabe (para sa mga kurso sa edukasyon, sining at agham panlipunan) o Ingles (sa mga kurso sa natural na agham, inhinyeriya, at negosyo). Ang unibersidad ay ang tanging unibersidad na pinapatakbo ng pamahalaan sa bansa.[1] Ang unibersidad ay mayroong siyam na kolehiyo: Sining at Agham, Negosyo at Ekonomiks, Edukasyon, Inhinyeriya, Batas, Sharia at Pag-aaral Islamiko, Parmasya, Agham Pangkalusugan, at Medisina.
Ang student body ng Unibersidad ay may 52 nasyonalidad, 65% dito ay mga Qatari. Nasa 35% ang anak ng mga expat.[2] 70% ng mag-aaral ay babae, na may sariling mga pasilidad at silid-aralan.[3] Ang QU ay nakapagtala ng 30,000 alumni.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Joy S. Moini; Tora K. Bikson; C. Richard Neu; Laura DeSisto (2009). "The Reform of Qatar University". RAND Corporation. Nakuha noong 6 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Interview with Qatar University's President Sheikha Abdulla AMisnad". Investvine. 20 Enero 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2013. Nakuha noong 21 Enero 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "QU Statistics". Qatar University. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
25°22′29″N 51°29′25″E / 25.3746°N 51.4902°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.