Unibersidad ng Rhode Island
Ang Unibersidad ng Rhode Island (Ingles: University of Rhode Island) na karaniwang tinutukoy sa bilang URI, ay ang pangunahing pampublikong unibersidad para sa pananaliksik na may istatus na land-grant at sea-grant sa buong estado ng Rhode Island, sa Estados Unidos. Ang punong kampus nito ay matatagpuan sa nayon ng Kingston sa timog Rhode Island. Bukod pa rito, may mas maliit na mga kampus ang pamantasan kung saan kabilang ang Feinstein Campus sa lungsod ng Providence, ang Narragansett Bay Campus sa Narragansett, at ang W. Alton Jones Campus sa West Greenwich.
Ang unibersidad nag-aalok ng mga kwalipikasyon sa antas batsilyer, masterado, at doktorado sa 80 mga undergradwado at 49 gradwadong erya ng pag-aaral sa pamamagitan ng pitong mga pang-akademikong kolehiyo. Ang mga kolehiyo ito ay kinabibilangan ng Sining at Agham, Pangangasiwang Pangnegosyo, Inhinyeriya, Agham Pantao at Panserbisyo, Kapaligiran at Agham-Buhay, Pagnanars, at Parmasya. Meron pang isang kolehiyo, ang Unibersidad-Kolehiyo na nagsisilbi bilang tagapayong kolehiyo para sa lahat ng mga papasok sa undergradwadong antas at umaasikaso sa kanilang buong pagpapatala sa URI.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Unibersidad ay unang binigyan ng tsarter ng estado bilang isang paaralang pang-agrikultura at istasyon sa eksperimentong pang-agrikultura noong 1888. Ang orihinal na lokasyon ng paaralan ay ang Oliver Watson Farm, na kung saan ang orihinal na farmhouse ay isa na ngayong maliit na museo.
Gallery
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
East Hall (1909) at Washburn Hall (1921)
-
Lippitt Hall (1897)
-
Green Hall (1937)
-
Robert L. Carothers Library (na binuo noong 1965)
-
Memorial Student Union
-
Multicultural Center (1998)
-
Planetarium
-
Chester H. Kirk Center for Advanced Technology (1995)