Unibersidad ng Skopje Santo Cirilo at Metodio
Ang Unibersidad ng Skopje Santo Cirilo at Metodio (Macedonian: Универзитет „Св. Кирил и Методиј“ – Скопје; Ingles: Saints Cyril and Methodius University of Skopje) ay ang pinakamalaking unibersidad sa Hilagang Macedonia. Ito ay ipinangalan sa dalawang magkapatid na teolohiko at misyonero noong panahong Bisantino na sina Cirilo at Metodio, na nagmula sa Tesalonica, at itinuturing na 'apostol ng mga Eslabo', mga tagapagliwanag na bumuo ng mga sistemang sinundan para sa alpabetong Siririko na ginagamit ngayon sa karamihan ng mga wikang Eslabo. Higit sa 50,000 ang mag-aaral sa unibersidad, kabilang ang humigit-kumulang 700 banyagang mag-aaral. Higit pa rito, ang mga kawani sa pagtuturo at pananaliksik ay umaabot sa 2,390 tao; ito ay sinusuportahan pa ng higit sa 300 kasapi mga institusyon sa loob ng unibersidad.
Ang pangunahing wika ng pagtuturo ay Macedonian, ngunit mayroong ilang mga kurso sa wikang Ingles, Aleman, Pranses, Italyano at mga wikang minorya.
42°00′N 21°26′E / 42°N 21.44°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.