Unibersidad ng Timog Florida
Ang Unibersidad ng Timog Florida (Ingles: University of South Florida), na kilala rin bilang USF, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Tampa, Florida, Estados Unidos. Ang USF ay miyembrong institusyon ng State University System of Florida. Itinatag noong 1956, ang USF ay ang ikaapat na pinakamalaking pampublikong unibersidad sa estado ng Florida.[1] Bukod sa kampus sa Tampa, meron itong dalawang indipendiyenteng institusyon, ang USF St. Petersburg at USF Sarasota-Manatee.[2] Bawat institusyon ay magkakahiwalay na akreditado ng Southern Association of Colleges and Schools. Ang unibersidad ay tahanan ng 14 na mga kolehiyo, nag-aalok ng higit sa 80 undergraduate majors at higit sa 130 graduwadong programa.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "UCF System Facts 2014-2015" (PDF). University of South Florida. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About USF Overview". usf.edu. University of South Florida. Nakuha noong Hunyo 18, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Academics Overview". usf.edu. University of South Florida. Nakuha noong Hunyo 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
28°03′16″N 82°24′49″W / 28.0545°N 82.41369°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.