Unibersidad ng Timog Queensland
Ang Unibersidad ng Timog Queensland (Ingles: University of Southern Queensland, USQ) ay isang midyum na pamantasang rehiyonal na nakabase sa Toowoomba, sa estado ng Queensland, Australia, na may tatlong mga kampus sa Toowoomba, Springfield at Ipswich. Nag-aalok ito ng mga kurso sa batas, kalusugan, inhenyeriya, siyensiya, negosyo, edukasyon, at sining. Ang institusyong ito ay itinatag noong 1967 bilang kampus ng Darling Downs ng Queensland Institute of Technology. Noong 1971, ito ay naging ang Darling Downs Institute of Advanced Education, pagkatapos ay ang University College of Southern Queensland noong 1990 at sa wakas ay sa kasalukuyan nitong pangalan noong 1992. Ito ay nagpapatakbo ng tatlong institusyong pananaliksik at pitong sentro ng pananaliksik na nakatuon sa isang malawak na hanay ng mga disipina gaya ng negosyo, agrikultura, agham kapaligitan, at teknolohiya.
27°36′15″S 151°55′55″E / 27.6042°S 151.932°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.