Unibersidad ng Wyoming
Ang Unibersidad ng Wyoming (Ingles: University of Wyoming) ay isang land-grant na unibersidad na matatagpuan sa Laramie, estado Wyoming, Estados Unidos, sa elebasyong 7,220 piye (2194 m), sa pagitan ng mga kabundukan ng Laramie at Snowy Range. Ito ay kilala bilang UW (madalas na binibigkas "U Dub") sa mga taong malapit sa unibersidad. Ito ay itinatag noong Marso 1886, apat na taon bago maadmit ang teritoryo bilang ika-44 estado, at binuksan noong Setyembre 1887. Ang Unibersidad ng Wyoming ay hindi pangkaraniwan dahil nakasulat sa Saligang Batas ng estado ang dapat nitong maging lokasyon nito sa loob ng Wyoming.[1] Ang mga unibersidad nag-aalok din ng mga outreach na programang pang-edukasyon sa mga komunidad sa buong Wyoming at online.
Ang Unibersidad ay binubuo ng pitong mga kolehiyo: agrikultura at likas na yaman, mga sining at agham, negosyo, edukasyon, inhinyeriya at aplikadong agham, agham-pangkalusugan, at batas. Ang unibersidad ay nag-aalok ng 190 undergraduate, gradwado, at sertipikong programa, kabilang ang Doctor of Pharmacy at Juris Doctor.[2] Ang University of Wyoming ay itinampok sa 2011 Princeton Review bilang isa sa Pinakamahusay na 373 Kolehiyo.[3]
Bilang karagdagan sa on-campus na mga klase sa Laramie, ang Outreach School ay nag-aalok ng higit sa 41[4] digri at sertipiko para sa malalayong mag-aaral sa buong estado at sa labas nito.[5] Ang mga programang ito ay inihatid sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya, tulad ng mga online at video conferencing. Ang Outreach School ay may siyam na mga panrehiyong sentro sa buong estado, kung saan ang ay matatagpuan sa kampus ng community colleges, upang magbigay ng oportunidad sa mga residente ng Wyoming para sa edukasyon sa unibersidad nang hindi kailangang pumunta sa Laramie.[6]
-
Ang kanlurang pasukan ng Wyoming Union
-
Ang Centennial Complex, kung saan matatagpuan ang American Heritage Center at University of Wyoming Art Museum
-
University of Wyoming Geological Museum
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wyoming State Constitution; Article 7, Section 23.
- ↑ "UW Catalog". University of Wyoming. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-01-16. Nakuha noong 2011-01-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UW Earns Kudos from the Princeton Review". University of Wyoming. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-05. Nakuha noong 2011-01-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UW Outreach School". Nakuha noong 24 Oktubre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Outreach Credit Programs". University of Wyoming. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-02-22. Nakuha noong 2010-02-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Outreach Regional Centers". University of Wyoming. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong 2010-02-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)