Pumunta sa nilalaman

Palingkurang Pampagkamamamayan at Pandarayuhan ng Estados Unidos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Palingkurang Pampagkamamamayan at Pandarayuhan ng Estados Unidos (Ingles: United States Citizenship and Immigration Services, dinadaglat bilang USCIS) ay isang sangkap o komponente ng Kagawaran ng Kaligtasang Pambansa (Department of Homeland Security) ng Estados Unidos. Nagsasagawa ito ng maraming mga tungkuling pampamamahala o administratibo na dating isinasagawa ng dating Palingkurang Pandarayuhan at Pampagkamamamayan ng Estados Unidos (Immigration and Naturalization Service), na dating kabahagi ng Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos. Ang ipinahayag na mga priyoridad ng USCIS ay ang itaguyod ang pambansang kaligtasan at katiwasayan, ang alisin ang mga nakabinbing mga kasong pampandarayuhan, at painamin ang mga paglilingkod na pangkliyente. Pinamumunuan ang USCIS ng isang direktor na tuwirang nag-uulat sa Sekretaryong Diputado (Deputy Secretary) para sa Seguridad ng Inang-Bayan. Ang USCIS ay dati at panandaliang napangalanan bilang U.S. Bureau of Citizenship and Immigration Services (BCIS) o Kawanihan ng Paglilingkod na Pampagkamamamayan at Pandarayuhan, bago naging USCIS.[1] Alejandro Mayorkas was sworn in as USCIS Director on August 12, 2009.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawil panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PamahalaanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.