Pumunta sa nilalaman

Unter den Linden

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Unter den Linden mula sa Katedral ng Berlin hanggang Tarangkahang Brandeburgo at liwasang Tiergarten, tanaw mula sa Fernsehturm, 2005.

Ang Unter den Linden (Aleman: [ˈʊntɐ deːn ˈlɪndn̩], "sa ilalim ng mga puno ng linden") ay isang bulebar sa gitnang distrito ng Mitte ng Berlin, ang kabesera ng Alemanya. Tumatakbo mula sa Palasyo ng Lungsod hanggang Tarangkahang Brandeburgo, pinangalanan ito sa mga puno ng linden (lime) na nakahanay sa damong nalalakad na mall sa median at sa dalawang malawak na daanan. Nag-uugnay ang abenida sa maraming pasyalan sa Berlin, tanawin, at ilog para sa pamamasyal.

Pangkalahatang-tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
J. Stridbeck, LindenAllee 1691

Ang Unter den Linden ay tumatakbo sa silangan–kanluran mula sa lugar ng maharlikang palasyo ng Stadtschloss (pangunahing tahanan ng Pamilya Hohenzollern) sa liwasang Lustgarten, kung saan dating nakatayo ang giniba na Palasyo ng Republika, hanggang sa Pariser Platz at Tarangkahang Brandeburgo. Patungo sa silangan ang bulebar ay tumatawid sa ilog Spree sa Katedral ng Berlin at nagpapatuloy bilang Karl-Liebknecht-Straße. Ang kanlurang pagpapatuloy sa likod ng Tarangkahang Brandeburgo ay Straße des 17. Juni. Ang mga pangunahing kalye sa hilaga–timog na tumatawid sa Unter den Linden ay ang Friedrichstraße at Wilhelmstrasse.

Ang Unter den Linden, na matatagpuan sa gitna ng makasaysayang seksiyon ng Berlin, na binuo mula sa isang daanang harnes na inilatag ni Elektor John George ng Brandeburgo noong ika-16 na siglo upang maabot ang kaniyang pook ng pangangaso sa Tiergarten. Ito ay pinalitan ng isang bulebar ng mga puno ng linden sa paligid ng kasalukuyang Bebelplatz ay isinama sa portipikasyon ng Berlin pagkatapos ng Tatlumpung Taon na Digmaan, na nakikita hanggang ngayon dahil walang mga puno.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Padron:Visitor attractions in Berlin