Pumunta sa nilalaman

Baboy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Untosinsal)

Baboy
Inang baboy at kanyang biik.
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Sus

Species

Sus barbatus (Bearded Pig)
Sus bucculentus
Sus cebifrons (Visayan Warty Pig)
Sus celebensis (Celebes Warty Pig)
Sus domestica (Domestic pig)
Sus falconeri
Sus heureni (Flores Warty Pig)
Sus hysudricus
Sus philippensis[1]
Sus salvanius (Pigmy Hog)
Sus scrofa (Baboy-ramo)
Sus strozzi
Sus timoriensis (Timor Warty Pig)
Sus verrucosus (Javan pig)

Ang mga baboy ay mga unggulado (hayop na may kuko o hoof) na nasa Klaseng Mamalya. Likas sa Eurasya, sama-sama silang nakapangkat sa genus Sus ang pamilyang Suidae. Maliban sa reputasyon nila sa pagiging matakaw at marumi, isang hindi gaanong kilalang katangian ng baboy ang katalinuhan. Ayon sa mga dalubhasa, sila ay mas magaling pa sa mga aso pagdating sa katalinuhan. Ninuno ng mga domestikadong baboy ang mga baboy-ramo.[2]

Ang biik, kulig, buwik o bulaw ay isang uri ng bata o sanggol at sumususo pang anak ng inahing baboy. Bagaman tumutukoy ang bulaw sa paglalarawan ng mamula-mula o mala-gintong kulay na biik (at ginagamit din para sa tandang na manok).[3]

Tinatawag na barakong baboy ang isang lalaking baboy na nasa hustong gulang na. Samantalang inahing baboy naman ang babaeng nasa tamang edad na.[3]

Ang mga baboy ay ang pangunahing karne na kinakain ng mga tao. Dahil dito, maraming babuyan ang itinatag.

Ang isang baboy ay karaniwang malaki ang ulo, na may mahabang nguso na pinatatag ng isang espesyal na buto malapit sa ilong (prenasal bone) at may isang disko na kartilago sa dulo nito. Ang nguso ay ginagamit para hukayin ang lupa para mag-hanap ng pagkain at ito ay isang matalas na bahaging pang-amoy. Ang bilang ng ngipin nito at apatnaput-apat. Ang mga ngipin sa likod ay pan-durog ng pag-kain. Sa lalaki ang ngiping-harapan ay maaring maging pangil, na patuloy na lumalago at tumulis sa pamamagitan ng patuloy na pag-giling sa isa't isa.

May apat na paa na may kuko, at ang dalawang daliri sa harapan nito ay mas-mahaba at ang mga daliri na ito ang laging nakadikit sa lupa.

Hindi gaanong mabalahibo ang karamihan sa mga baboy, ngunit may mga uri ng baboy gaya ng Mangalitsa na balbunin din. Dahil hindi gaanong mabalahibo ang baboy, di gaanong makapag-pawis ang mga baboy dahil wala silang glandula ng pawis na naglalabas ng init. Kung mainit ang panahon, naglulublob sa putik o tubig ang mga baboy.

Pinagmulan ng domestikong baboy

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bik na baboy ramo
Baboy ramo

Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga baboy ay dinomestika mula sa baboy ramo noong mga 13,000–12,700 BCE sa Malapit na Silangan sa Tigris Basin[4].[5] [6] May isa ring hiwalay na domestikasyon ng mga baboy sa Tsina noon mga 8000 taong nakakaraan.[7][8]

Ang ebidensiya ng DNA mula sa mga fossil ng mga ngipin at mga panga ng mga neolotikong baboy ay nagpapakitang ang mga unang domestikadong baboy sa Europa ay dinala mula sa Malapit na Silangan. Ito ang nagtulak sa domestikasyon ng lokal na mga baboy ramo na nagresulta sa ikatlong pangyayaring domestikasyon na ang mga gene ng mga baboy ng Malapit na Silangan ay nawala sa mga baboy na Europeo. [9][10] Ang mga historikal record ay nagpapakitang ang mga Asyanong baboy ay ipinakilala sa Europa noong ika-18 hanggang ika-19 siglo. Ang mga baboy ay dinala sa timog silangang Hilagang Amerika mula sa Europa nina de Soto at ibang mga eksplorador na Espanyol.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Zoological Journal of the Linnean Society (1997), 120: 163–191.
  2. Seward, Liz (Setyembre 2007). "Pig DNA reveals farming history". BBC News. Nakuha noong 2008-06-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 English, Leo James (1977). "Baboy, barakong baboy, inahing baboy, swine, hog, boar; biik, kulig, buwik, bulaw". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 101-102 atbp.
  4. *Sarah M. Nelson Ancestors for the Pigs. Pigs in prehistory. (1998)
  5. Rosenberg M, Nesbitt R, Redding RW, Peasnall BL (1998). Hallan Çemi, pig husbandry, and post-Pleistocene adaptations along the Taurus-Zagros Arc (Turkey). Paleorient, 24(1):25–41.
  6. Vigne, JD; Zazzo, A; Saliège, JF; Poplin, F; Guilaine, J; Simmons, A (2009). "Pre-Neolithic wild boar management and introduction to Cyprus more than 11,400 years ago". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 106 (38): 16135–8. doi:10.1073/pnas.0905015106. PMC 2752532. PMID 19706455.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Giuffra, E; Kijas, JM; Amarger, V; Carlborg, O; Jeon, JT; Andersson, L (2000). "The origin of the domestic pig: independent domestication and subsequent introgression". Genetics. 154 (4): 1785–91. PMC 1461048. PMID 10747069.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Jean-Denis Vigne, Anne Tresset and Jean-Pierre Digard (Hulyo 3, 2012). History of domestication (PDF) (Talumpati).{{cite speech}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  9. BBC News, "Pig DNA reveals farming history" 4 September 2007. The report concerns an article in the journal PNAS
  10. Larson, G; Albarella, U; Dobney, K; Rowley-Conwy, P; Schibler, J; Tresset, A; Vigne, JD; Edwards, CJ; Schlumbaum, A (2007). "Ancient DNA, pig domestication, and the spread of the Neolithic into Europe". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 104 (39): 15276–81. doi:10.1073/pnas.0703411104. PMC 1976408. PMID 17855556.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.