Urano (mitolohiya)
Si Urano, Uranus, o Ouranos ( /ˈjʊərənəs/ o /jʊˈreɪnəs/) (Sinaunang Griyegong Οὐρανός, Ouranos, na nangangahulugang "langit"), ay ang pangunahing Griyegong diyos na kumakatawan sa langit. Katumbas niya sa mitolohiyang Romano si Caelus. Sa Sinaunang panitikang Griyego, ayon kay Hesiod sa kanyang Theogony, si Uranus o "Amang Langit" ay anak na lalaki at asawa rin ni Gaia, ang Inang Mundo. Sina Uranus at Gaia ang mga ninuno ng karamihan sa mga Griyegong diyos, subalit walang kultong tuwirang nakatuon kay Uranis ang nanatili noong mga kapanahunang Klasikal,[1] at hindi lumilitaw si Uranus sa karaniwang mga tema ng Pinintahang palayok na Griyego. Ang Elemental na Mundo, Langit at Styx ay maaaring magkadikit, subalit, sa loob ng taimtim na sambitla o imbokasyon sa epikong Homeriko.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Hindi namin sila itinuring na may kahalagahan upang sambahin," sabi ni Karl Kerenyi, na nagsasalita para sa sinaunang mga Griyego, na inilalarawan ang mga Titano (Kerenyi, The Gods of the Greeks, 1951:20); "maliban na lamang sa isa, marahil ay si Cronos; at maliban na rin kay Helios."
- ↑ Katulad ng sa Iliad xv.36f at Odyssey v.184f.