Pumunta sa nilalaman

Usapan:Network

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Usapan:Network ng kompyuter)

Lambat-lambat

[baguhin ang wikitext]

Ang pamagat na lambat lambat ay pinalitan ko ng "kabalikat"(support network) ngunit muling ibinalik ni Skyharbor sa Lambat-lambat. Ang dahilan niya ay:

(Kabalikat ng kompyuter inilipat sa Lambat-lambat ng kompyuter sa pamamagitan ng pagkarga: Iba ang konotasyon ng "kabalikat". Dagdag sa iyon, ayon kay Sagalongos, ang "network" sa Tagalog/Filipino ay "lambat-lambat"

Tumututol ako sa pamagat na lambat-lambat dahil bukod sa walang salitang "lambat lambat" ayon sa google, ang salitang lambat lambat ay hindi karaniwang ginagamit sa tagalog. Ang meron ay lambat(panghuli ng isda) o net sa ingles. Isa pa, kailangan ba nating gumamit ng "makalumang mga tagalog" para gamitin sa literal na pagsasalin ng makabagong mga salita gaya ng network. Ang silya ay hindi na natin tinatawag na salumpuwit. Iminumungkahi ko na palitan ang pangalan sa mas modernong tagalog na nakukuha ang konteksto at mas madaling maintindihan. Kung ayaw ni Skyharbor ng "kabalikat", iminumungkahi ko ang ibang mas malapit na kahulugan: ayon sa: http://en.wiktionary.org/wiki/network network (plural networks) 1. A fabric or structure of fibrous elements attached to each other at regular intervals. 2. Any interconnected group or system A network of roads crisscrossed the country. 3. A directory of people maintained for their advancement To get a job in today's economy, it is important to have a strong network. 4. Multiple computers and other devices connected together to share information The copy machine is connected to the network so it can now serve as a printer.

  • magkakaugnay para sa interconnection
  • magkakapangkat dahil ang network ay pangkat pangkat
  • magkakakabit

o kung meron pang may nais na magmungkahi ng ibang salitang mas malapit at mas madaling maintindihan. Gusto ko ring malaman kung ano ang konotasyon ng "kabalikat" para kay Skyharbor. Aghamsatagalog2011 06:40, 10 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]

Inilipat ko ito ayon sa WP:SALIN, and pangunahing patakaran para sa pagsasalinwika sa Tagalog Wikipedia. Ayon sa Diksiyunaryong Ingles-Pilipino Pilipino-Ingles ni Felicidad T.E. Sagalongos, ito ang salin ng "network" sa Tagalog. Kung nais pa natin simplipikahin, maaari nating gamitin ang kalambatan o kabalagan sa Gabby's Dictionary ni Luciano L. Gaboy. Para sa akin, ang konotasyon ng "kabalikat" ay "kaagapay" o "partner". May kompanya na may islogan na "kabalikat mo sa buhay", kung natatandaan ko nang tama.
Hindi gawain ng Tagalog Wikipedia ang pagbabagong-kahulugan ng mga salita, at lalo nang hindi umaayon manlikha. Huling inilimbag ang diksiyonaryo ni Sagalongos noong 1969, at ang diksiyonaryo ni Gaboy as mas bago pa (sa bandang unang bahagi pa ng siglong ito). Hindi ko alam kung bakit itinuturing natin ang mga salitang huling nakita natin noong dekada 1960-1970 bilang "luma". --Sky Harbor (usapan) 07:11, 10 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]
Hindi natin alam kung anong konteksto ang pinatutungkulan ni Sagalongo sa "network". Sa kabila ng pag-imbentong ito ng salitang "lambat lambat" noong 1960-70, mapapansin natin na hindi ito pumasok sa "wikang tagalog" kaya wala tayong naririnig na gumagamit ng salitang ito para sa network, kung paano wala na rin tayong naririnig na gumagamit ng "salumpuwit" para sa isang upuan. Samakatuwid ang mga salitang inimbentong ito ay naging luma dahil hindi naging katanggap tanggap sa mga tagapagsalita ng tagalog. Dahil sa walang eksaktong tagalog para sa network, magmumungkahi ako na mag-imbento na lang na salita gaya ng "networko"(o kung ano mang imungkahi ng ibang wikipediyan dito). Ang suhestiyon ko lang ay pumili ng salita na kasingtunog ng orihinal na ingles o kahit papaano ay pamilyar ang salitang gagamiting. Ang wikang tagalog ay nilikha para maunawaan ng mga tagapagsalita ng tagalog kaya hindi natin kailangan magimbento ng mga salitang "makaluma" at sobrang hirap unawain. Kahit pa sabihing ang "lambat"(net) ay para ihalintulad sa isang computer network, ito ay mali pa rin dahil ang computer network ay hindi maihahalintulad sa isang lambat, tignan mo ang [1]. Isa pa, ang pag-imbento ng salita ay para hindi malito ang mga mambabasa dahil kung gagamit lang tayo ng mga "malapit na salin" ng isang salita, ito ay makakapagligaw(misleading) sa tunay na kahulugan ng isang salita. Ang halimbawa nito ay ang salitang matematiko na function na walang direktang salin sa tagalog kaya nagmungkahi ako na isalin sa pamagat ng punksyon na binago mo naman sa punksiyon at binago ni jojit_fb sa punsyon at ang pinal na anyo ay naging punsiyon. Aghamsatagalog2011 22:32, 10 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]


Kung walang tutol, ililipat ko na ang pangalan sa "networko ng kompyuter" Aghamsatagalog2011 20:48, 11 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]

Hindi nararapat manlikha ng salita. May dahilan kung bakit nakapangalan ito sa dating pangalan: iyon ang nakasaad sa diksiyonaryo, na nagsisilbing batayan ng tamang paggamit sa wika. Bakit ba tayo mag-iimbento ng salita kung walang makakaintindi, at bakit ba natin kailangang balewalain ang diksiyonaryo? --Sky Harbor (usapan) 15:08, 12 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]
Kung ang salitang lambat lambat ay naiintidihan, bakit wala tayong napapansing gumagamit sa kasalukuyan ng salitang ito upang tukuyin ang network? Kung titignan mo sa google, wala ni isang blog, komento, artikulo sa tagalog na gumagamit ng salitang lambat lambat. Ang wika ay nagbabago ayon sa paglipas ng panahon. Ang mga mahihirap at makalumang tagalog ay pinalitan gaya ng makikita sa bagong Panatang Makabayan. Isa pang halimbawa ang makikita sa Dasalan at Tuksuhan: Ang mga lumang tagalog na hindi sinasalita sa panahon ngayon ay nilagay ko sa bold.
Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo kami ngayon nang aming kaning iyon inaraw-araw at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal para nang pag papatawa mo kung kami nakukuwaltahan; at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
Gaya ng sabi ko sa itaas, hindi rin natin alam kung anong konteksto ang pinatutungkulan ni Sagalongos ng salitang network. Ito ba tumutukoy sa channel network, sa computer network o ito ba ay dapat ding tumukoy sa social network. Bakit lambat lambat ang inimbento niyang salita. Ano ang motibasyon para ito ang piliin niyang salita. Ito ba ay dahil nagmula sa lambat na katumbas ng net sa ingles. Ang computer network at social network ba ay maitutulad din natin sa isang lambat o hindi? tignan mo ang [2]. Para sa akin, ang pag-iimbento ng salita ay kinakailangan kung ang isang ingles ay walang direktang tagalog. Ang katunayan marami akong sinimulang mga artikulo na may pamagat na inimbento ko "lang", pero hindi naman tinutulan ng ibang mga administrator dito sa tagalog wikipedia. Bukod dito, ang mga binago gaya ng punsiyon na orihinal kong minungkahing punksyon ay tinanggap ko dahil naniniwala ako sa kolaborasyon ng mga wikipediyan dito. Meron ding anonimong IP na nagmungkahi na ang variable ay isalin na bariabulo kaya ito ay tinanggap ko rin. Gaya rin ng sinabi ko sa itaas, kung mag-iimbento ng bagong salita sa tagalog, ang suhestiyon ko ay gawin itong kasingtunog o malapit sa orihinal na ingles para magkaroon ng pamilyaridad ang mga mambabasa ng artikulo. Aghamsatagalog2011 02:20, 13 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]
Kahit kung mainam ang pag-iimbento ng salita, hindi ito gawain ng Tagalog Wikipedia. Tandaan po natin na hindi tayo lingguwista, kaya wala tayong karapatan na mang-imbento lang ng salita at bigla nating gagamitin, na may paniniwalang tatanggapin ito. Bihira lang nangyari iyon na may taong nang-imbento ng salita at tinanggap ito: kasama na doon ang "jejemon", "bekimon", atbp. Pero hindi sa larangan ng agham at teknolohiya: tingnan mo kung ano ang nangyari sa mga matematikal na salita na inimbento ng GAUF (tulad ng "sipnayan")?
Hindi man natin alam ang konteksto, iyon pa rin ang salin. May tawag ito sa lingguwistika: ito ang calque, na literal na salin ng isang salita. Ayon kay Gaboy, ito ay "isang paraan ng pagpapayaman ng wika o panghihiram ng salitang banyaga, at pagbibigay ng karagdagan o ibang tanging kahulugan sa katumbas na salita nito na hiram din sa ibang wika; pagbibigay ng literal na kahulugan sa mga salitang hiram". Maaari nga na iyan ang ginawa nila: kahit man kung hindi alinsunod ang salitang "lambat-lambat" (Sagalongos), "kalambatan" (Gaboy) o "kabalagan" (Gaboy) sa topolohiya ng isang network, eh bakit "network" (na inayon sa lambat na ginagamit ng mga mangingisda) ang salita sa Ingles? Ganoon din ang salin ng network sa Espanyol (red, na mula sa lambat ng mangingisda), Tsino (网络/wǎngluò, na ang unang karakter ay mula sa lambat ng mangingisda), Polako (sieć, na mula rin sa lambat ng mangingisda), atbp. Maaari rin nating sabihin na sina Sagalongos at Gaboy ay umayon sa pagka-calque upang isalin ito: literal na pagsasalin. Habang wala pang salita na umaayon sa topolohiya ng isang network, iyon lang ang maaari nating gamiting basehan. Kaya may dahilan kung bakit umaasa tayo sa diksiyonaryo sa pagsusulat ng mga artikulo sa Tagalog Wikipedia: kapag hindi natin alam ang salita, imbes na kumonsulta sa diksiyonaryo, binabalewala natin ito o bigla na lang tayo nag-iimbento ng salita, o kaya rin naghihiram tayo sa Ingles nang walang pakundangan (mala-Taglish). Hindi iyan ang karapat-dapat na pagtrato sa wika tulad ng Tagalog/Filipino.
Karaniwa'y hindi naiintindihan ng ilang mga Wikipedista na kapag sumasangkot ang mga tagapangasiwa sa pagbabago ng isang artikulo (halimbawa, sa paglilipat ni Jojit fb ng "punksiyon" sa "punsiyon" dahil iyan ang salita sa UP Diksiyonaryong Filipino), hindi namin sinasabi na binabalewala namin ang mga ambag ninyo. Samakatuwid, naniniwala kami na ito ay nakabubuti sa kapakanan ng Wikipedia at para sa mambabasa nito, dahil isa lang sa mga gawain ng Tagalog Wikipedia ang pagpapalinaw sa mga ideya ng mundo: kasama na rin dito ang paggamit ng wika nang tama upang maipaliwanag ito, at upang ipakita ang yaman ng wikang Tagalog/Filipino na karaniwa'y hindi natin nakikita. Mabuti na naiintindihan mo ito, lalo nang medyo baguhan ka pa sa pamanayan ng Wikipedia. :) --Sky Harbor (usapan) 08:57, 13 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]
Ibig mo bang sabihin, ang paglikha ng bagong salita ay gawain lamang ng "linggwista"? Merong pag-aaral kung paano ang isang "bagong salita" ay nagiging bahagi ng isang lenggwahe: [3] In each interaction, one agent (the speaker) says its word for an object, while the second agent (the hearer) listens. If the hearer fails to recognise the word, it memorises it as a possible name for the object. But if the hearer understands the word, both agents retain this word in memory and ditch any others they have made up or heard.Repeated over and over again, this process reflects how people invent and share new words for objects: they constantly invent new words, yet can only use ones that others understand, so it keeps a lid on the number of words in use. The simulations showed that this is enough for the emergence of a unique shared vocabulary. In the model, each object always ends up being described by just one word (www.arxiv.org/physics/0509075). "The model is as simple as possible," says Steels. "But it captures the main ingredients of how a population develops an efficient communication system.". Eto pa: [4]. Kung ang batayan lamang ay diksiyonaryo, bakit maraming salita na nasa diksiyonaryo gaya ng salipawpaw, salumpuwit, sipnayan ay hindi na ginagamit ngayon? Pansinin mo na ang mga salitang ito ay "nakakarga lamang"(redirect) at hindi mismong salita na ginagamit sa artikulo kahit ang mga ito ay nasa diksiyonaryo. Marami ngang salita na pumasok sa diksiyonaryo hindi dahil inimbento ng linggwista kundi ito'y inimbento ng isang tao at naging katanggap tanggap sa mga nakakaraming tagapagsalita ng wika. Tignan mo ang [5]. Ang pagtutol ko sa salitang lambat lambat ay dahil ito ay isang salita na hindi pamilyar sa maraming tagagapagsalita ng tagalog at gaya ng sinabi ko, wala tayong "makikita" na gumagamit ng salitang ito sa kasalukuyang panahon. Aghamsatagalog2011 14:54, 13 Oktubre 2011 (UTC)[tugon]

Bilang kompromiso, ilalagay ko ang mga salitang ito sa artikulo.

Nasaan ang kompromiso sa pag-iimbento ng salita kung ang pamagat ng artikulo ay imbentong salita pa rin? Hindi layunin ng Wikipedia na lumikha ng salita upang palaganapin ito: layunin ng Wikipedia na palaganapin ang kaalaman sa wikang Tagalog. Patakaran ng Wikipedia na hindi naaayong manlikha ng salita, ngunit sa palagay mo mas nararapat na mag-imbento ng salita dahil mas "naiintindihan" ito ng kapisanan ng mga mambabasa ng Wikipedia? Nawawala ako roon.
Gayunpaman, nananatili pa rin ako sa WP:SALIN (na patakaran ng Wikipediang Tagalog) at sa tuntunin ng Komisyon sa Wikang Filipino tungkol sa paghihiram: gamitin ang salitang nasa leksikon (ibig sabihin, sa diksiyonaryo). Naiintindihan man o hindi, nasa diksiyonaryo ang lambat-lambat, kalambatan at kabalagan, at ayon sa tuntunin ng KWF, dapat gamitin ang isa sa mga salitang iyon. May remedyo rin ang patakaran sa problema ng pagsasalin ng isang termino na may maraming salin sa Tagalog: gamitin ang pinakakaraniwan o ang salitang pinakamalapit sa kahulugan nito. Kung may problema ka roon (sa tuntunin ng KWF), maaari mong sulatan sila. --Sky Harbor (usapan) 21:16, 24 Nobyembre 2011 (UTC)[tugon]
Pansinin mo na ang inilagay ko sa artikulo ay :"Ang salitang network ay tinawag ring lambat-lambat, kalambatan, at kabalagan". Ang pinag-uusapan dito ay "computer network" at hindi lang salitang "network". Malibang maipapakita mong ang tinutukoy na "network" sa mga diksiyonaryong ito ay spesipikong tumutukoy sa isang "computer network", hindi mo masasabing katumbas ng "computer network" ang lambat-lambat. Lalabas, pinupwersa mo ang interpretasyon mo sa pinatutungkulan ng mga may-akdang ito. At uulitin ko, kung ang lambat-lambat ay tumutukoy sa "computer network" at hindi lang basta "network", bakit walang makikita sa google na gumagamit sa salitang lambat-lambat para sa "computer network" sa tagalog: http://www.google.ca/#q=%22lambat+lambat%22+computer&hl=en&prmd=imvns&ei=sz3PTpWFH8fl0QGFutTyDw&start=10&sa=N&bav=on.2,or.r_gc.r_pw.,cf.osb&fp=3f62e4c1e9c0affb&biw=977&bih=492. Ang gusto mong mangyari ay maihahalintulad sa pagpipilit ng paggamit sa kasalukuyang panahon ng mga mahihirap na salitang "matandang Ingles" noong sinaunang panahon. Sa karagdagan, hindi ito pag-iimbento sa kahulugan(sense) na hinugot ko lang ito kahit saan. Ito ay mula sa Ingles na "computer network" na tinagalog. Ang katunayan, kahit sa patakaran 4 ng WP:Salin, ang nakalagay ay: Kung walang mahanap na katumbas sa Tagalog, maaaring hanapan ng katumbas sa ibang wikang Pilipino (Bikolano, Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Waray-Waray, Zamboangueño, at iba pa). Tagalugin ang nasa ibang wikang Pilipino kung magagawa.Aghamsatagalog2011 07:21, 25 Nobyembre 2011 (UTC)[tugon]

Bukod sa pagtutol sa itaas, ito pa ang isang pagtutol[6] sa paggamit ng kalambatan mo. Samakatuwid, hindi ito ang inaayunan ng 'pamayanan' dito at ikaw lang ang gustong magpataw ng pamagat na ito. Paano mo nalaman na ito ang tamang salin kung hindi ka linggwista o mismong network professional? Bakit hindi ito tinatanggap ng mga bagong diksiyonaryo? Hindi dapat gamitin dito ang isang diksiyonaryong hindi naman isinulat ng isang network professional o inaayunan ng mga network professional lalo na ang mga website sa ibaba(ang mga eksperto sa network):

Atn20112222 (makipag-usap) 21:25, 14 Agosto 2013 (UTC)[tugon]

Huwag mong ipamukha sa akin na ako ang masama rito, dahil ipinapataw mo rin ang nais mo. Ako naman, sumasang-ayon lang ako sa patakarang umiiral na nais mong ibalewala nang walang pakundangan. Hindi ikaw ang pamayanan. Iyan ang pinamumukha mo sa akin eh: mas tama ka dahil kinakatawan mo umano ang pamayanan, at mali ang ibang mga Wikipedista na may ibang pananaw kaysa sa iyo. Ganito lang iyon: hindi ibig sabihin na tama ang gawa ng isang lipunan dahil iyan ang ginagawa ng nakararami. Palyado ang pamahalaan, ang paaralan at ang lipunan sa tama at kaaya-ayang paglaganap ng isang wikang may matatag na batayan sa agham at teknolohiya, upang hindi kailangang umasa ang sambayanan sa wikang kolonyal para lang makapagunawa sila ng ganitong mga konsepto, at dahil doon, napapalaganap natin ang maling paniniwala na "ay, walang salita para sa konseptong ito sa Tagalog, kaya manghiram na lang tayo sa Ingles". Kung kaya kong matuto ng bagong salita, siguradong sigurado ako na kaya mo rin, at kaya rin ng sambayanan, kaya huwag mong ipamukha sa akin na mas tama sila dahil sila ang nakakaalam.
Hindi tungkulin ng mga network professional na sinasabi mo na lumikha ng leksikon para sa kanilang propesyon, lalo nang wala silang pormal na pagsasanay sa pagkumpuni ng ganoong leksikon. Kaya hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin makaila kung bakit pinipilit mo pa rin na sila ang mas tama, kahit kung halos lahat ng kanilang mga sanggunian sa kanilang propesyon ay nasa Ingles lamang, at natural na mas masasanay sila sa paggamit ng Ingles kaysa sa paggamit ng kapares na salita sa Tagalog. Akalain mo ba, sa ibang wika, kailangan nilang mangonsulta sa mga network professional upang lumikha ng akmang salita para sa ganoong propesyon? Maaari, ngunit hindi ganoong kaimpluwensiyal ang kanilang tungkulin doon. Nasa kamay pa rin ng lingguwistiko (kahit ang mga lingguwistiko sa KWF, na palyado rin sa paglaganap ng tamang Filipino) ang huliong desisyon tungkol dito. At akalain ko ba: ngayon, ang mga distritong pampaaralan at pulisya naman sa Estados Unidos ang mas tama dahil "nangongonsulta sila sa mga propesyonal"? Por Diyos, por santo.
Kahit kung ang sambayanan ang huling tagapagdirekta ng direksiyon ng wika, hindi ibig sabihin nito na walang tungkulin ang ibang mga puwersang panlipunan na gabayan ang ganitong direksiyon. Hindi ako naniniwala na automatikong tama ang sambayanan dahil sila ang may-alam: may implyuwensiya rin dito ang ibang mga puwersang panlipunan, at kung ipamumukha sa sambayanan ng pamahalaan at paaralan na "ay, umasa na lang tayo sa Ingles", iyan ang magiging kalalabasan niyan. Dahil lang hindi alam ng tao na may salita pala para sa ganitong konsepto, ibig sabihin na iyon na tama sila at mali ang iba, kahit ang mga ekspertong mas nakaaalam sa kanila. Bakit kaya lumaganap ang Taglish sa halip ng tama at pormal na Tagalog/Filipino? Pag-isipan mo iyan. --Sky Harbor (usapan) 03:47, 16 Agosto 2013 (UTC)[tugon]
Ang kaibahan lang naman ng pananaw mo sa pananaw ko ay ang pananaw ko ay sinusuportahan ng nakakarami lalo na ng mga eksperto sa paksang tinatalakay gaya ng mga sangguniang ipinaskil ko sa itaas na ewan ko kung bakit mo ipinagpipilitang sangguniang nasa Ingles lamang kung tagalog yang mga sangguniang nasa itaas. At paano gagamitin ang inaangkin mong patakaran kung ikaw rin lang ang nag-imbento nito at wala namang makikitang mga kasunduan ang pamayanan ng mga aktibong editor ng patakaran. Kung may patakaran ang pamayanan, bakit kailangang pang repasuhin [9] ito. Kaya ipinapataw mo ang sarili mong pananaw dahil ayon sa iyo hindi ibig sabihin na tama ang gawa ng isang lipunan dahil iyan ang ginagawa ng nakararami.. Samakatuwid, ikaw ang tama at ang lipunan ang mali. Puro ka rin pagpapalagay gaya ng hindi tungkulin ng mga network professional na sinasabi mo na lumikha ng leksikon para sa kanilang propesyon. Pero saan ang ebidensiya ng haka-hakang ito. Ipakita mo na lahat ng mga salita sa larangan ng mga agham pangkompyuter ay hindi inimbento ng mga taong nasa larangang ito[10]. Eto ang isa pang haka-haka: Nasa kamay pa rin ng lingguwistiko (kahit ang mga lingguwistiko sa KWF, na palyado rin sa paglaganap ng tamang Filipino) ang huliong desisyon tungkol dito. Saan ang mga linggwistikong ito at bakit ikaw ang tama at ang KWF ay mali? Muli, patunayan mo yang mga akusasyon mo.Atn20112222 (makipag-usap) 04:37, 16 Agosto 2013 (UTC)[tugon]