Usapan:New Zealand

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Pangalan ng bansa[baguhin ang batayan]

Napapansin kong paiba-iba ng pangalan ang artikulong ito; nagiging "Bagong Selanda", "Nueva Zelanda", at "New Zealand". Kung magiging purista ako, ipagpipilitan ko ang pangalang "Bagong Selanda", subalit naniniwala akong higit na mabuting gamitin ang pangalang Ingles nito na New Zealand upang higit na madaling hanapin ito sa Tagalog Wikipedia. Maaaring sa mga diksiyunaryo at magasing Tagalog, ginagamit ang Bagong Selanda o Nueva Zelanda (na hango sa wikang Kastila), subalit higit na mainam gamitin ang orihinal na katawagang Ingles nito, dahil kahit sa loob ng mga paaralan at sa mga klase sa kasaysayan ay ginagamit ang "New Zealand" nang mas madalas. Geoffbits (makipag-usap) 15:10, 23 Nobyembre 2014 (UTC)