Usapang tagagamit:Geoffbits
Ito ang pahinang usapan upang mag-iwan ng mensahe para kay Geoffbits. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal .
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Mabuhay!
Magandang araw, Geoffbits, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:
|
- Tungkol sa Wikipedia
- Mga patakaran at panuntunan
- Paano baguhin ang isang pahina
- Paano magsimula ng pahina
- Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo
- Mga Karaniwang Tinatanong (FAQ)
- Pahinang nagbibigay ng tulong
- Pang-anyaya para sa iba pang ibig maging Wikipedista
- For non-Tagalog speakers: you may leave messages and seek assistance at our Wikipedia:Help for Non-Tagalog Speakers.
Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na tildes (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}}
sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating talaang pampanauhin (guestbook). Muli, mabuhay!
Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館
--Sky Harbor (usapan) 14:52, 10 Agosto 2013 (UTC)
Isang barnstar para sa iyo! :)
[baguhin ang wikitext]Magandang hapon po, Geoffbits. Nais po kitang gawaran ng isang barnstar o wikibituin, isang tradisyonal na gawad sa mga Wikipedista upang makilala ang kanilang mga gawain sa Wikipedia. Para sa iyo, ginagawaran kita ng Bituin ng Walang-Pagod na Pag-aambag o Tireless Contributor Barnstar para sa pagpapalawak mo ng artikulong One Direction. Salamat sa inyong mga ambag. :) --Sky Harbor (usapan) 05:23, 5 Setyembre 2013 (UTC)
- Maraming salamat po sa pagkilala. Bagama't baguhan pa lang ako bilang tagaambag, natutuhan ko na sa maikling panahon kung paano magpalawak at maging ang paglikha ng mga artikulo. Isang paraan ko po ito upang madagdagan ang mga artikulong nasusulat sa Tagalog/Filipino. Muli maraming salamat! -- Geoffbits (makipag-usap) 08:35, 8 Setyembre 2013 (UTC)
Pagkarga ng mga larawan
[baguhin ang wikitext]Magandang gabi sa iyo, Geoffbits. Nais po kitang bigyan ng paalala tungkol sa mga pagkarga (upload) mo ng mga takip ng mga album at isahang awit ng One Direction. Tandaan po na nakakarapatang-ari (naka-copyright) ito at hindi maaaring basta-bastang kargahan ito batay sa mga patakaran ng Wikipedia (tingnan ito): maaari lamang itong gamitin sa ilalim ng patas na gamit o fair use.
Dagdag pa sa iyon, kinakailangan po ng iyong mga larawang ikinarga na may karampatang tag ito para sa paglilisensiya, upang matukuyan namin kung ano ang paggamit ng mga larawang ito. Paki-tag po niyo ang lahat ng mga larawang nakakarapatang-ari na ikinarga mo gamit ang mga padron para sa karapatang-ari ng mga larawan na makikita mo sa talang iyon. Batay sa patakaran, kapag walang lisensiya ang larawan, may karapatan kaming mga tagapangasiwa na burahin ito, at ayaw namin gawin iyon, kaya binibigyan po kita ngayon ng paalala tungkol dito. Gayundin, dapat may buod ng paggamit ang mga larawan: makikita mo ang isang halimbawa sa Talaksan:Magical Girl Lyrical Nanoha A's DVD volume 1 cover.jpg#Buod. Maaari mong kopyahin ang padron (template) at ipasok ito sa mga larawan mo.
Maraming salamat po at maligayang pamamatnugot sa Wikipedia. :) --Sky Harbor (usapan) 14:35, 19 Setyembre 2013 (UTC)
- Salamat sa paalalang ito; inakala kong sapat na ang paglalagay ng kawing kung saan ko nahugot ang mga larawan; marami pa talaga akong kailangang matutuhan. Binago ko na ang mga talaksang aking ikinarga upang bigyang-linaw ang mga buod at paglilisensiya rito. Mula ngayon ay susundin ko na ang patakarang ito sa pagkakarga ng mga larawan. Mabuhay kayo! :) Geoffbits (makipag-usap) 10:37, 22 Setyembre 2013 (UTC)