Pumunta sa nilalaman

Usapan:Tucidides

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alam Ba Ninyo Ang isang lahok mula sa lathalaing Tucidides ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Hulyo 29, 2008.
Wikipedia
Wikipedia

Unang pagtatangkang isalin ang Thucydides sa Wikipediyang Ingles at Ellinika. May problema ang ilang sanggunian dahil hindi tinukoy ang aktuwal na aklat. Pinanatili ko ang mga numero ng tala nito na matatagpuan sa Ingles. --matangdilis 09:57, 29 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Posibleng Redirect

[baguhin ang wikitext]

maaring may redirect na gawin papunta dito mula sa pahinang Thucydides.--matangdilis 09:57, 29 Hulyo 2008 (UTC)Y Tapos na.--matangdilis 12:53, 29 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Wala pa ang mga larawan

[baguhin ang wikitext]

wala pa ang mga larawan at kategoriya --matangdilis 09:59, 29 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Pagsunod sa Patakaran ng Transliterasyong Ellinika

[baguhin ang wikitext]

Medyo nahuli ang pagkaalam ko na may patakaran pala sa transliterasyon. Ang una kong ginamit ay batay sa lumang sistema na may modipikasyon para sa ortograpiya at ponolohiya ng Tagalog. Ang mga pagbabago ay ginawa na alinsunod sa UN Resolution 1987 hinggil sa transkripsiyon ng Ellinika na batay sa ELOT 743. --matangdilis 12:40, 29 Hulyo 2008 (UTC)[tugon]

Tungkol sa pamagat

[baguhin ang wikitext]

Ano ang sanggunian sa mga pangalang Thoukydidis, Polyvios, Kleon? Maaari ba na gamitin natin ang anyong Kastila katulad ng ginawa sa mga Papa? O kaya, ang orihinal na baybay sa Griyego? At the very least, gamitin ang anyong Ingles katulad ng sa Julius Caesar. --Jojit (usapan) 03:40, 12 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

-Ang romanisasyong ito ay alinsunod sa iminumungkahi ng UN. Parang katumbas ng pinyin sa mga Tsino. Makikita ito sa Report on the Current Status of United Nations Romanization Systems for Geographical Names: Greek.(2003). Makukuha sa http://www.eki.ee/wgrs/rom1_el.pdf. Iminumungkahi ito ng Tagalog Wikipedia sa Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo: Wikang Gryego. -matangdilis 03:51, 15 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
-Hindi ako sang-ayon sa paggamit ng baybay na Kastila o Ingles para sa pagsasalin ng Ellinika una dahil babagal ang pagsasalin kung batay sa bokabularyo (vocabulary-based). Mas mabilis kung batay sa patakaran (rule-based) tulad ng sa UN. Pangalawa ang Julius Caesar ay Latin at hindi Ellinika kaya maaari itong panatilihin (ganito ang ginawa sa Cicero sa artikulong ito na bagama't binibigkas na Kikero ay hindi binago dahil Latin). Pangatlo, mas malapit ang ponolohiya ng Ellinika sa Tagalog kaysa ng salin nito sa Ingles, maliban sa iisang tunog na gg ay katumbas lahat ng mga patinig at katinig natin. Pang-apat, at ito'y opinyon ko lamang, na sa isang sitwasyon na ang nagsusulat ay Tagalog at ang isinusulat ay Ellines hindi kailangang sangguniin ang Kastila o Ingles. Maliit na ang mundo at hindi na natin kailangang palaging tingnan ang mundo sa mata ng Kastila at Ingles. Nakakalat na ang mga Pinoy sa buong mundo at puwede nating gamitin ang ating tenga alinsunod sa kung anong ang bigkas ay siyang baybay o kung ano ang dinig natin ay siyang baybay halimbawa ai sa Ellinika ay 'e'; o sundin ang baybay ng pinag-uusapan mismo sa artikulo (Ellines nga)na siyang ginagamit dito.-matangdilis 03:59, 15 Agosto 2008 (UTC)[tugon]
-Pahabol, ang binabangit kong bigkas ng Ellinika ay iyong sa mga Ellines sa Ellada at hindi iyong tinatawag na Erasmian.-matangdilis 04:12, 15 Agosto 2008 (UTC)[tugon]