Pumunta sa nilalaman

Usapang Wikipedia:Pagpapalit-pangalan ng Wikipedia sa Wikipedya

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lagdaan lang po ang bilang na tumutukoy sa inyong boto sa pamamagitan ng pagiiwan ng apat na tilde (~). Pindutin lamang po ang edit sa itaas, upang makaboto. Bagamat hindi rekwesito ang paglikha ng user account, hinihiling na gumawa ng sariling account bago bumoto, upang maayos na makalagda.

Maari rin pong magiwan ng komento.

Siguro, isarado na natin ito pagkatapos ng isang linggo. Kung sakaling palitan na natin ang pangalan ng Proyektong ito mula sa Wikipedia sa Wikipedya, ito ang ating mga gagawin:

  1. Palitan ang mga teksto sa Unang Pahina na may Wikipedia.
  2. Palitan ang logo (na sa akin ang original file nito, maaaring ako na ang magpalit nito)
  3. Palitan ang titulo ng namespace ng Proyekto (o ang "Wikipedia namespace").
  4. Palitan ang mga teksto sa Lahat ng mga mensahe ng sistema.
  5. Ilipat ang artikulong Wikipedia sa Wikipedya.
  6. Palitan ang iba pang mga artikulo, suleras, atbp. na may Wikipedia sa Wikipedya.

--Jojit (usapan) 06:20, 4 Enero 2008 (UTC)[tugon]

Sumasang-ayon (1)

[baguhin ang wikitext]

User:Felipe Aira

[baguhin ang wikitext]

Felipe Aira (talkcontribs)
Siguro kailangan na nating baguhin ang pangalan ng wiking ito kung ikukumpara sa mga ibang wiki binago nila ang pangalan ng kanilang Wikipedia upang sumang-ayon sa kanilang lokal na wika. Siguro iyon din ang dapat gawin natin. Isa pa sa mga rason ay kung papanatiliin nating Wikipedia hindi magiging Wikipedia ang basa nito kundi wi-ki-pe-di-a pero kung Wikipedya ang pagsasabi nito ay magiging katulad ng sa Ingles. At 'di ba nga ang kahulugan ng Wikipedia ay Wiki + [encyclo]pedia kung susunurin natin iyon Wikipedya rin ang kakalabasan (Wiki + [ensiklo]pedya). Siguro pwede rin nating idagdag itong usapang ito sa Tamabayan Philippines bilang dagdag na suporta sa usapang ito.

Ilang Wikipediang nagamit ng sarili nilang pagbabaybay ng "Wikipedia":

  1. Wikipédia
  2. Wikipedii
  3. Wikipédia
  4. Vükiped
  5. Vikipediya
  6. Wikipediju

Kung sila, binago nila ang pangalan ng Wikipedia para sumang-ayon sa kanilang wika, naniniwala akong kaya rin natin. -- Felipe Aira 12:21, 5 Nobyembre 2007 (UTC)[tugon]

Hindi Sumasang-ayon (0)

[baguhin ang wikitext]

Sumasang-ayon, sa mga sumusunod na kondisyon (0)

[baguhin ang wikitext]

Hindi boboto (0)

[baguhin ang wikitext]

Ibang pananaw (0)

[baguhin ang wikitext]