Pumunta sa nilalaman

Usapang tagagamit:Willy agrimano~tlwiki

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mabuhay!

Magandang araw, Willy agrimano~tlwiki, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:

Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng pag-type ng apat na tidles (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}} sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating guessbook. Muli, mabuhay!

-- Felipe Aira 09:27, 6 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Kawalang-pinapanigan

[baguhin ang wikitext]

Ang iyong ginawang pahina na Pakikipagkapuwa-tao ay matuturing na mayroong pinapanigan. Ang Wikipedya ay ginawa para magbigay alam hindi para impluwensiyahan ang mga tao. Kaya hanggang maaari ay pinapanatili natin ang kawalang-pinapanigan. At kung maaari rin ay ayusin ang artikulo. Salamat sa iyong pagtulong para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedya. -- Felipe Aira 09:27, 6 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Hindi naangkop ang artikulong ito kaya iminungkahi ko itong burahin. Tingnan Wikipedia:Mga artikulong buburahin/ANG SAN BENITO SA WIKANG TAGALOG. Sa tingin ko hindi ito encyclopedic. --Jojit (usapan) 10:43, 31 Enero 2008 (UTC) wala ho akong pagtutol sa pagkapawi ng paksang ito. napag isip isip ko na ito ay sagrado at kailangang manatiling lihim.willy agrimano[sumagot]

Mga artikulo

[baguhin ang wikitext]

Ang mga artikulong ginawa mo ay muli mayroong pinapanigan at saksakan ng hindi pagsunod sa istilong Wikipedya. Sumunod naman po tayo. -- Felipe Aira 12:03, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]

Paki-ayos ang mga artikulong ginawa mo

[baguhin ang wikitext]

Maligayang pagdating sa Wikipedia. Nanganganib na burahin ang mga artikulong ginawa mo. Paki-ayos lamang po ang iyong mga kontribusyon dito sa Wikipedia. Isaayos mo ito sa tonong pang-ensiklopedya at iwasan ang magsulat ng puro naka-kapital na mga letra. Sundin ang mga gabay sa taas na binigay ni Felipe Aira. Bibigyan kita ng isang araw para ayusin ito. Kung hindi mo ito maayos, buburahin na ito sang-ayon sa pangkalahatang kasunduan ng komunidad at patakaran ng Wikipedia. --Jojit (usapan) 03:44, 1 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Nabura na pala ng ibang tagapangasiwa. Kung nais mo na likhain muli ang artikulo, tiyakin na pang-ensiklopedya ito. --Jojit (usapan) 03:47, 1 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

wag na ho kayong mag alala at hindi ako basta basta magpapasok ng iba pang paksa.willy

Mga ambag mo

[baguhin ang wikitext]

Marami pong salamat sa inyong mga naiambag na mga artikulo at mga paksa dito sa Tagalog Wikipedia. Ngunit pakitingnan po sana ang mga kaunting pagbabagong nagawa hinggil sa mga pahinang katulad ng tagabas at lagikway. Mas makakatulong po kung malalagyan ninyo talaga ng seksyon na sanggunian, para malaman ng lahat ang pinagmulan ng inyong ambag. Maaari po ninyong makuha ang mga sanggunian kahit sa paghahanap sa Google. Kopyahin po ninyo ang buong URL mula sa inyong browser at ilagay sa seksyong tatawagin ninyon "Sanggunian" (makaraan ang paglalagay ng isang "*" bago idikit ang buong URL). Maaari po rin kayong magsimula ng mga bagong artikulo mula sa mga ambag ninyong mga salita na sa ngayon ay nasa Wikipedia talk:Tulong. Salamat po. Sana po ay makatulong ang mensaheng ito at huwag po kayong magsawa sa pag-ambag ng kaalaman dito. Kung may katanungan po kayo, mag-iwan po lamang kayo ng mensahe sa aking pahina ng usapan, at mula sa mga tagapangasiwa. Mabuhay! - AnakngAraw 16:24, 18 Hulyo 2008 (UTC)[sumagot]

Maraming salamat po sa inyong mga naiambag. Ngunit muli pakiayos po ang inyong mga ambag kagaya ng Krisis. Ito na po ang magiging huling babala niyo po. Bagaman nakakatulong po kayo kahit nang katiting, nakakagulo po kayo sa Wikipedya. (en:Wikipedia:Disruptive) Maaari po kayong maharang. Muli, salamat. -- Felipe Aira 09:51, 2 Agosto 2008 (UTC)[sumagot]

kung nakakagulo po ako sa mga paksa ninyo ay ipagpaumanhin ninyo.hindi ko agad nabasa ang babala ninyo tungkol sa maling naipasok ko.kahit may katiyakan ho ang maraming sinabi ko ay hindi ko maibigay ang mga aklat ng pinagmulan nito dahil marami akong nabasang mga aklat na na di ko na matukoy.kung mas mabuti ho ang hindi na ako mag ambag sa artikulo ninyo ay ihihinto ko ang ang pagpapadala ng iba pang mga paksa.nalibang lang naman akong magsabi ng ibang nalalaman ko sa ibat ibang usapin.salamat ho sa pag aayos nyo sa ilang naipasok ko.hindi ko ho alam ang ibang patakaran ninyo kaya akala ko ay basta lang magpapadala sa wikipedia. nakalilibang ang magsabi din naman ng mga ina akala ko. (Willy Agrimano )

Sa katunayan po, nakita ko po ang pagbabago sa inyong mga ambag at gawa, sapagkat madali pong naunawaan ang nilalaman ng inyong huling gawa, kaya nasundan at nilagyan ko ng nilalaman. Mabuhay po kayo at natitiyak kong alam na po ninyo ang kung paano makatutulong ng husto sa pagbubuo sa ating payak na ensiklopedya. Tingnan po ninyo: artikulong Ugali na inyong sinimulan. Mas mainam na po ito. Magpatuloy po kayo sa ganitong uri ng ambag at kung maaari dagdagan pa ang mga nilalaman na may sanggunian. Salamat po. Bahagi po kayo ng pamayanan natin, maiikli man o mahaba ang mga nagagawang artikulo. Huhusay pa po kayo, sapagkat nagsimula rin po ako noon sa paggawa ng mga maiikling artikulo. Salamat pong muli. - AnakngAraw 15:29, 15 Agosto 2008 (UTC)[sumagot]

salamat sa iyong sinabi anak ng araw.di naman ako talaga manunulat.minsan lang kasi nakita ko itong wikipedia at nalibang ako sa pagpapadala.sa ngayon ay titigil muna ako..mabuti may maunawain dyan na katulad mo.willy

Agad kang magbalik, Ginoong Willy. Aasahan po namin iyan. Ang mga unang ambag ay isang pagsasanay lamang. Bawat bagong ambag ay pagsasanay din hanggang sa bumuti ng husto. Magpatuloy kayo sapagkat isa kayong Wikipedista... - AnakngAraw 04:08, 18 Agosto 2008 (UTC)[sumagot]

Huling babala

[baguhin ang wikitext]

Ito na po ang magiging huli niyong babala. Haharangin po nang ilang araw kayo sa susunod na pagdaragdag niyo ng hindi mabubuting artikulo. -- Felipe Aira 10:53, 12 Agosto 2008 (UTC) wag no ho kayong mag alala at wala na akong ipapasok na hindi nyo magugustuhang artikulo. willy[sumagot]

Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan lamang ng pag-tipa ng isang gitling at apat na tildes "- ~~~~". - AnakngAraw 14:38, 19 Agosto 2008 (UTC)[sumagot]

Muli po gumamit po na panlagda ( Felipe Aira 08:59, 22 Oktubre 2008 (UTC)) sa huli ng mga kataga ninyo, huwag ilagay ang pangalan nang manwal. Inalis ko rin po ang inyo mga dagdag na kataga sa Wikipedia:Kapihan/Archive 1 (http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wikipedia%3AKapihan%2FArchive_1&diff=307618&oldid=307598) dahil nakasinop (arkibo) na po ang mga ito, at hindi na maaaring baguhin pa. Ipinapanatili po ang mga iyon alang-alang sa mga naising pangkasaysayan. Kung nais niyo pong magtalakay ng mga bagay, ilagay po ito mismo sa WP:KAPE. Felipe Aira 08:59, 22 Oktubre 2008 (UTC)[sumagot]

Wikipedia:Pagsalin ng mga nilalaman ng Wikipedia na ito sa Filipino

[baguhin ang wikitext]

Tinanggal ko ang boto mo sa Wikipedia:Pagsalin ng mga nilalaman ng Wikipedia na ito sa Filipino dahil tapos na iyon. Wala nang pagbabago pang magaganap doon. --Jojit (usapan) 10:15, 18 Pebrero 2009 (UTC)[sumagot]

Your account will be renamed

[baguhin ang wikitext]

08:51, 20 Marso 2015 (UTC)

12:52, 19 Abril 2015 (UTC)