Pumunta sa nilalaman

Valentina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Valentina
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaAce Publications[1]
Unang paglabasPilipino Komiks #78 (1950)[2][3]
TagapaglikhaMars Ravelo (katha)[4][5]
Nestor Redondo (guhit)[5]
Impormasyon sa loob ng kwento
Buong pangalanDr. Valentina Vrandakapoor (sa pelikula noong 1973 na Lipad, Darna, Lipad!)
EspesyeLahing parang serpyente
Lugar ng pinagmulanPilipinas
Planetang Tiamat
Kasaping pangkatBraguda
Serpina
Serpyenteng Reyna ng Tiamat
KakampiVibora
Kobra
Kilalang alyasTina (sa teatrong sayaw pang-musika noong 2018 na Ding ang Bato)
Amor (sa miniserye ng Mango Comics)[6]
Kakayahan
  • may kamandag na ahas sa ulo
  • higit-sa-taong lakas
  • halos di-tinatablan ng anumang sandata at mayroong kakayahan sa paggaling ng mga sugat
  • kakayahang saykiko
  • pag-utos ng mga ahas

Si Valentina ay isang supervillainess (o kontrabidang may higit-sa-taong lakas) na nilikha nina Mars Ravelo at Nestor Redondo na unang lumabas sa ikalawang kabanata ng seryeng Darna na nilathala sa Pilipino Komiks (isyu #78, 1950) . Isa sa pinakakilalang supervillainess sa Pilipinas,[5][7] siya ang mortal na kaaway ni Darna.[8] Orihinal siya isang babaeng nagtanim ng galit na ipinanganak mula sa mga ordinaryong mga tao at may mga ahas sa ulo na mukhang buhok. Nang lumaki siya, pinatay niya ang kanyang mga magulang at pagkatapos, naging kanyang tagapagturo ang nilalang na nagngangalang Kobra. Sa kalaunan, tinukoy si Valentina bilang "diyosa ng mga ahas."[5][9]

Noong nakuha ng Mango Comics ang karapatan para sa Darna, naglabas sila noong 2003 ng iang miniserye na tinampok sina Valentina at Darna. Sa bersyong ito, si Valentina ay isang alien (o nilalang sa labas ng Daigdig) na mula sa planetang Tiamat. Nagmula sa isang lahi na parang pinaghalong mga Nāga at mga Gorgon sa mitolohiyang Griyego. Nakuha niya ang alyas o alter-ego na Amor na isang mang-aawit. Nang pumirma ng kasunduan ang GMA Network sa Mango Comics para gawin ang seryeng pantelebisyon na Darna noong 2005, karamihan sa kuwento ng Mango Comics ay naisama sa seryeng pantelebisyon kabilang ang pinagmulan ni Valentina. Isa sa pagkakaiba mula sa komiks ay magpinsan sina Valentina (ginampanan Alessandra De Rossi) at Darna.

Sa labas ng komiks, isa ang karakter na Valentina sa hinahangad na kontrabida ng mga artista sa iba't ibang medyum kabilang ang pelikula, telebisyon at teatro. May ilang mga artista ang gumanap bilang Valentina simula noong 1951 nang lumabas ang unang Darna na pelikula kung saan gumanap si Cristina Aragon bilang Valentina. Pinuri ang pagganap ni Celia Rodriguez bilang Valentina noong 1973 sa pelikulang Lipad, Darna, Lipad at tinuturing ang pagganap na iyon bilang ang pinakamagaling na paglalarawan kay Valentina. Sa pelikulang iyon, nabigyan si Valentina ng buong pangalan: Dr. Valentina Vrandakapoor.

Hindi parating kontrabida si Valentina. Sa pelikula noong 1989 na Valentina gayon din sa mga kabanata ng palabas sa telebisyon ng ABS-CBN na Komiks at Wansapanataym, nilalarawan si Valentina bilang isang sinumpang indibiduwal na may mabuting puso at ang kanyang iniirog ay umibig din sa kanya sa kabila ng kanyang anyo. Sa mga palabas sa teatro, na kadalasang na pinapalabas bilang pangmusikang ballet, si Valentina, bagaman kontrabida, ay priniprisinta sa paraang nakakatawa o nakakaawa na lumalayo mula sa kanyang tradisyunal na paglalarawan bilang isang babaeng puno ng galit.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "First issue of Pilipino Komiks". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. 2015-04-04. Nakuha noong 2019-08-20. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - Tandaan: Ang Ace Publications ay ang tagapaglathala ng Pilipino Komiks
  2. Lawagan, Ernee (2010-02-15). "ERNEE'S CORNER: DARNA: The Original Filipino Superheroine". ERNEE'S CORNER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) - Nailathala ang bahagi ng blog na ito sa magasin na TV Star Guide ng Atlas Publishing Company noong Mayo 2005
  3. "Video 48: DARNA 1950 REVISITED: IKA-2 NA LABAS (THE BIRTH OF VALENTINA )". Video 48 (sa wikang Ingles). 2008-11-26. Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "IN PHOTOS: Darna flies high in Negros". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. 2017-06-12. Nakuha noong 2019-08-20. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Lawagan, Ernee (2012-01-01). "ERNEE'S CORNER: VALENTINA: The Most Well-known Supervillainess in Philippine Komiks". ERNEE'S CORNER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Santos, Tomas U. (2003-04-30). "Who's that girl?". The Varsitarian (sa wikang Ingles). University of Santo Tomas. Nakuha noong 2019-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Komixpage (2016-04-20). "KOMIXPAGE: Valentina". KOMIXPAGE (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Valentina". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Darna". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)