Pumunta sa nilalaman

Lambak ng mga Hari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Valley of the Kings)
Lokasyon ng lambak sa mga bulubundukin ng Theban, kanluran ng Nilo, Oktubre 1988 (itinuturo ng pulang panuro ag lokasyon).

Ang Lambak ng mga Hari (Ingles: Valley of the Kings, Arabe: وادي الملوك Wadi Biban el-Muluk; "Mga Tarangkahan ng mga Hari"[1])[2] ay isang lambak sa Ehipto kung saan ginagawa ang mga libingan para sa mga hari at mga makapangyarihang maharlika ng Bagong Kaharian (ang ika-labingwalo hanggang ika-dalawpung mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto).[3][4]. Ginawa ang mga libingan dito sa loob ng 500 taon mula ika-16 hanggang ika-11 dantaon BC. Matatagpuan ang lambak sa kanlurang pampang ng Nilo[5], pahalang mula sa Thebes (modern Luxor), sa loob ng pinakapusod ng Necropolis ng Thebes.[6] May dalawang lambak ang wadi, ang Silangang Lambak (kung saan nakalagay ang karamihan sa mga maharlikang libingan) at ang Kanlurang Lambak.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Literal na salin ng Gates of the Kings; ang gate ay tarangkan, ayon sa talahuluganan ni M.O. de Guzman". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Reeves at Wilkinson (1996), p. 6
  3. Maspero (1913), p. 182
  4. "Theban Mapping Project". Nakuha noong 2006-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Abriol, Jose C. (2000). "Nilo, Nile". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Siliotti (1997), p.13
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.