Vernasca
Vernasca | |
---|---|
Comune di Vernasca | |
![]() Kastilyo ng Vigoleno. | |
Mga koordinado: 44°48′N 9°50′E / 44.800°N 9.833°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Emilia-Romaña |
Lalawigan | Plasencia (PC) |
Mga frazione | Bacedasco, Borla, Castelletto, Mignano, Settesorelle, Trinità, Vezzolacca, Vigoleno, Mazzaschi, |
Pamahalaan | |
• Mayor | Giuseppe Sidoli |
Lawak Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 72.57 km2 (28.02 milya kuwadrado) |
Taas | 457 m (1,499 tal) |
Populasyon (2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil). | |
• Kabuuan | 2,079 |
• Kapal | 29/km2 (74/milya kuwadrado) |
Demonym | Vernaschini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 29010 |
Kodigo sa pagpihit | 0523 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Vernasca (Padron:Lang-egl Padron:IPA-egl) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Plasencia sa rehiyon ng Emilia-Romaña, na matatagpuan mga 120 kilometro (75 mi) hilagang-kanluran ng Bolonia at mga 30 kilometro (19 mi) timog-silangan ng Plasencia.
Ang munisipalidad ng Vernasca ay naglalaman ng mga frazione (mga pagkakahati, pangunahin na mga pamayanan at nayon) ng Bacedasco, Borla, Castelletto, Mignano, Settesorelle, Trinità, Vezzolacca, at Vigoleno.
Ang Vernasca ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Alseno, Bore, Castell'Arquato, Lugagnano Val d'Arda, Morfasso, Pellegrino Parmense, at Salsomaggiore Terme.
Kasayayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang teritoryo ng Vernasca, na tinitirhan mula noong panahong Neolitiko, ay inookupahan ng mga tribong Ligur: ang mga bakas ng castellieri ay natagpuan sa Rocchetta di Carameto, Casali di Morfasso ,at sa Settesorelle. Ang mga tribong Ligur ay nasakop ng mga Romano, ilang sandali bago ang kalagitnaan ng ikalawang siglo BK, pagkatapos ng mahabang paglaban.