Pumunta sa nilalaman

Vesubio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Bulkang Vesubio, tinatanaw mula sa Pompeya.

Ang Vesubio (Ingles/Latin: Vesuvius; Italyano: Vesuvio) ay isang bulkan sa Golpo ng Napoles, Italya, 9 kilometro sa silangan ng Napoles at kaunting layo lamang sa dalampasigan. Ito lamang ang bulkan sa lupain ng kontinente ng Europa na pumutok sa loob ng nakaraang sandaang taon, kahit hindi ito kasalukuyang umaalsa. Ang dalawa pang ibang bulkang aktibo sa Italya, ang Etna at ang Estromboli, ay matatagpuan sa mga pulo.



Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.