Vida Florante

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Si Vida Florante habang hawak ni Leopoldo Salcedo ang kanyang kamay sa isang tagpo sa pelikulang SIERRA MADRE mula sa LVN Pictures

Si Vida ay unang lumabas sa mga pelikula ng mga Nolasco. Pagkatapos ng giyera ay ipinakilala siya sa pelikulang Fort Santiago.

Noong 1948 isang Pampamilyang-Drama ang kanyang ginawa at isa siya sa apat na magkakapatid kasama sina Rosa Rosal at Leila Morena sa pelikulang 4 na Dalangin.

Tatlong pelikula na niya sa Luis Nolasco Productions ang Mga Busabos ng Palad kung saan ginampanan ang papel ng isang dukha. Nakadalawa lamang siyang pelikula sa LVN Pictures iyon ay ng itambal siya kay Leopoldo Salcedo sa Sierra Madre at ang Komedya na Ang Kandidato nina Pugo at Togo.

Tatlo ang ginawa niya sa Liwayway Pictures, iyon ay ang Makapili, Tatlong Birhen at Dinukot.

Nenita Unit ang huli niyang pelikula mula sa Luzon Theaters Inc. kasama rin si Anita Linda na isang pelikulang Aksiyon.

Siya rin ang gumanap sa pelikulang "Seksing-Seksi" ng Luis F. Nolasco Productions na itinanghal noong 1959.

Kapanganakan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]



PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.