Pumunta sa nilalaman

Rosa Rosal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rosa Rosal
Larawan ni Rosa Rosal sa isang commemorative stamp noong 2022 ng Philippine Postal Corporation
Kapanganakan
Florence Lansang Danon

TrabahoAktres
Aktibong taon1945
AsawaWalter Gayda
AnakToni Rose Gayda
ParangalPublic Service Award - Ramon Magsaysay Award Foundation
1999;
FAMAS Best Actress
1955
Sonny Boy

Si Florence Lansang Danon na mas kilala sa pangalang Rosa Rosal ay isang Pilipinang aktres at mapagkawang-gawa na ginawaran ng Public Service Award ng Ramon Magsaysay Award Foundation noong 1999 at kinilala bilang FAMAS Best Actress noong 1955.[1]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Florence Lansang Danon o Rosa Rosal noong 1931 sa Pilipinas.[1] Ang kanyang ina ay si Gloria Lansang.[2] Simple at masaya ang naging pagkabata ni Rosa Rosal sa Maynila.[1]

Naging ugali na ni Rosa Rosal na magboluntaryo sa mga hospital noong kanyang kabataan.[1]

Noong panahon ng digmaan ay naging katulong medikal o medical assistant si Rosa Rosal at isang announcer o tagabasa ng balita sa radyo.[1][2][3]

Nasa haiskul pa lang si Rosa Rosal noong siya ay tinanggap ni Dr. Sixto Francisco bilang sekretarya at nang lumaon ay naging tagapagpapatakbo ng X-ray machine sa Ospital ng San Lazaro.[2][3]

Napasok sa larangan ng pelikula si Rosal Rosal noong siya ay nadiskubre ng isang prodyuser ng pelikula sa edad na labing-anim na taong gulang.[1][4]

Ikinasal si Rosa Rosal kay Walter Gayda na isang Amerikanong piloto noong siya ay dalawampu't walong taong gulang. Nagkaroon sila ng isang anak na si Toni Rose Gayda.[2][3]

Nagsimulang magboluntaryo si Rosa Rosal sa Red Cross noong 1948 at noong 1950 ay nagparehistro siya bilang opisyal na boluntaryo sa Blood Program ng Philippine National Red Cross.[1][3]

Noong 1975 ay pinangunahan niya ang Kapwa Ko, Mahal Ko, ang unang palabas sa telebisyon na serbisyo publiko.[3] Noong 1976 ay pinangunahan naman niya ang Damayan.[3] Tinatayang limang daang pasyente ang natutulungan ng Damayan sa isang buwan.[3]

Nakapagpaaral si Rosa Rosal gamit ang kanyang personal na pondo ng labing limang estudyante na noong nakatapos ay nagkaroon ng magagandang trabaho.[3] Ginamit niya sa kanyang pondong pang-iskolarsip ang natanggap niyang $50,000 noong iginawad sa kanya ang Ramon Magsaysay Award for Public Service.[3]

Bilang artista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang karera ni Rosa Rosal bilang artista sa pelikulang Kamagong: Bayani ng Mahirap noong 1947.[1][5] Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang Sonny Boy noong 1955, Blessings of the Land noong 1959, at Ang lahat ng ito pati na ang langit noong 1989.[6][7][4][8] Gumanap din siya sa mga pelikulang Anak Dalita, Badjao at Biyaya ng Lupa.[9]

Parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iginawad kay Rosa Rosal ang Ramon Magsaysay Award for Public Service noong 1999 dahil sa kanyang serbisyo sa Krus na Pula ng Pilipinas (Inggles: Philippine National Red Cross).[1] Binigyan siya ng Natatanging Gawad Urian noong 1987 ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng pelikulang Pilipino.[9] Natanggap niya ang Citizens’ Award noong 1969 para sa kanyang paglabas sa seryeng pangtelebisyon na Balintataw.[9] Kinilala siya bilang Best Actress sa FAMAS sa kanyang pagganap sa pelikulang Sonny Boy noong 1955.[1][9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 "Rosal, Rosa". Ramon Magsaysay Award Foundation Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Zapanta-Andrada, Joanne. "Rosa Rosal: A meaningful life". Philstar.com. Nakuha noong 2025-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 Sequera, Vanni de. "Rosa Rosal's lifetime of charity". Philstar.com. Nakuha noong 2025-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 "Rosa Rosal - Biography". IMDb (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. Nolasco, Luis F., Kamagong: Bayani ng Mahirap (Action, Drama), Leopoldo Salcedo, Lilia Dizon, Rosa Rosal, Nolasco Bros., nakuha noong 2025-03-07{{citation}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. Guzman, Susana C. de (1955-08-28), Sonny Boy (Drama), Rogelio de la Rosa, Rosa Rosal, Cecilia Lopez, LVN Pictures, nakuha noong 2025-03-07{{citation}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. Silos, Manuel, Biyaya ng lupa (Drama), Rosa Rosal, Tony Santos, Leroy Salvador, LVN Pictures, nakuha noong 2025-03-07{{citation}}: CS1 maint: url-status (link)
  8. Borlaza, Emmanuel H. (1989-01-11), Ang lahat ng ito pati na ang langit (Drama), Susan Roces, Dina Bonnevie, Dante Rivero, Viva Films, nakuha noong 2025-03-07{{citation}}: CS1 maint: url-status (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 Lleva, Fr Edd B. "Miss Rosa Rosal: Magsaysay awardee". Philstar.com. Nakuha noong 2025-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]