Correccional
Ang Correccional ay isang pelikulang Pilipino na tungkol sa tigib ng pag-iibigan at paninibugho.
Isang matandang biyudo si Tony Arnaldo at kanyang napupusuan si Celia Flor subalit ang huli ay nakulong dahil napagbintangang siya ang pumatay sa biyudo dahil ng dinatnan niya sa bahay ay nakahandusay na si Tony at ang tunay na salarin ay si Rosa.
Magaling si Rosa Rosal bilang kontrabida lalo na ang eksena nilang makatotohanan ng sila ay nagpambuno, nagsabunutan at nagpagulong-gulong sa loob ng kulungan na sa tunay na buhay ay nagkasakitan sila pansinin ang mga eksena kung ito ay inyong mapapanood.
Naninibugho si Rosa kay Celia dahil ang huli ang tunay na nililiyag ni Mario Montenegro.
Ang nasabing pelikula ay gawa ng LVN Pictures at inilabas sa Center Theater noong 1952.
Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.