Pumunta sa nilalaman

Vincent Bueno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vincent Bueno
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakVincent Mendoza Bueno
Kapanganakan (1985-12-10) 10 Disyembre 1985 (edad 38)
Pinagmulan Vienna, Austria
GenreClassical, Vocal
Trabahomang-aawit, kompositor
Instrumentopiano, tambol, bass guitar, gitara
Taong aktibo2008 (kasalukuyan)
Websitehttp://vincentbueno.com

Si Vincent Bueno ay isang Pilipinong mang-aawit na pinanganak sa Austria noong 10 Disyembre 1985. Noong 12 Enero 2008 ay nanalo siya sa isang palabas sa ORF, ang Musical! Die Show (Musical! The Show), isang kumpetisyong pang-tugtuging pantelebisyon sa Austria. Nagsimulang nag-aral ng pagsasayaw si Bueno sa gulang na 4. Kamakailan, umawit at nagtanghal siya sa konsyerto ni Sarah Geronimo sa Byena.

Maagang Edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakapagtapos si Bueno sa larangan ng tugtugin at sining sa pagtanghal sa Vienna Conservatory of Music. Tagapaglikha rin siya ng mga awiting R&B. Kumuha rin siya ng espesyal na kurso sa pag-arte, pag-awit, at pagsayaw. Sa gulang na 11, nagawa niyang maging bihasa sa apat na instrumentong tugtugin - piano, gitara, tambol, at bass guitar. Ang kanyang ama ay dating isang bokalista.

Bihasa si Bueno sa Tagalog bukod sa Aleman at Ingles.

MUSICAL! Die Show

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinalo ni Bueno sina Eva Kiklovics at Gudrun Ihninger ng sampung kontestante, at umani ng premyong 50,000 (na katumbas ng halos Php3,000,000.00) pati ang "chance of a lifetime". Una niyang itinanghal ang awit na "Grease Lightning" (mula sa musikal na Grease), at saka ang "Music of the Night" (mula sa Phantom of the Opera).[1] Nakakuha si Bueno 67 bahagdan ng boto (landslide victory) mula sa mga manonood sa Austriya at mga kalapit bansa. Nakatanggap naman ng 37 bahagdan ang ikalawang panalo na si Eva Klikovics, habang maagang natanggal si Gudrun Ihninger, na nasa ikatlong pwesto. Ang naturang palabas sa telebisyon ay isang eality-based talent contest na kung saan tinitignan ang mga kakayahan ng mga sumali sa pagsayaw at sa pagtanghal sa teatro, na hinahatulan din ng mga manonood sa pamamagitan ng telepono os sa SMS.[2][3][4][5]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "services.inquirer.net, Filipino rocker hits global stage". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-20. Nakuha noong 2008-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "showbizandstyle.inquirer.net, Vincent Bueno: Pinoy int'l star is born". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-20. Nakuha noong 2008-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. www.pressdisplay.com, Kandidaten stellen sich vor
  4. "kleinezeitung.at, Kandidaten für "Musical! - Die Show" stehen fest". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-06. Nakuha noong 2008-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "www.vol.at/news, Zehn Musical-Star-Anwärter stehen fest". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-19. Nakuha noong 2008-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]