Haykap

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Viral)
Jump to navigation Jump to search
Mga haykap
Rotavirus Reconstruction.jpg
Haykap-rota
Klasipikasyon ng mga virus
Group: I–VII
Pangkat

I: Mga haykap-dsDNA
II: Mga haykap-ssDNA
III: Mga haykap-dsRNA
IV: Mga haykap-(+)ssRNA
V: Mga haykap-(−)ssRNA
VI: Mga haykap-ssRNA-RT
VII: Mga haykap-dsDNA-RT

Para sa ibang gamit, tingnan ang Birus (paglilinaw).

Ang haykap o birus (Ingles: virus mula sa Latin na virus, na nangangahulugang lason) ay isang ahenteng nakahahawa na nagpaparami lamang sa loob ng mga buhay na sihay ng isang organismo. Nakakapaghawa ang mga haykap ng lahat ng uri ng anyong-buhay, mula sa hayop at halaman hanggang sa mga mikroorganismo, kabilang ang mga baktirya at arkeya.[1]

Mula noong artikulo ni Dmitri Ivanovsky noong 1892 na naglalarawan ng di-baktiryang mulsakit na naghahawa ng mga halaman ng tobako, at ang pagtuklas ng haykap-mularang tabako ni Martinus Beijerinck noong 1898,[2] halos 5,000 sarihay ng haykap ang nailarawan nang detalyado,[3] ngunit mayroong milyun-milyong uri nito.[4] Matatagpuan ang mga haykap sa halos lahat ng mga ekosistema ng Daigdig at sila ang pinakamaraming uri ng biyolohikal na entidad.[5][6] Ang pag-aaral ng haykap ay kilala bilang birolohiya, isang sangay ng of mikrobiolohiya.

Habang hindi sa loob ng nahawang sihay o sa proseso ng paghawa ng sihay, umiiral ang mga haykap sa anyo ng sarilining partikulo o virion, na binubuo ng: (i) kamanahing bagay, yaon ay mahahabang mulatil ng DNA o RNA na nagkokodigo ng istraktura ng mga protina kung saan kumikilos ang haykap; (ii) balat na gawa sa protina, ang kapside, na pumapalibot at pumoprotekta sa kamanahing bagay; at sa ilang kaso (iii) isang panlabas na balutan ng lipido. Iba't iba ang mga hugis nitong partikulong haykap mula sa payak na anyong-pilipitin at ikosahedrika para sa mga ilang sarihay hanggang sa mas sali-salimuot na istraktura para sa mga iba. Karamihan ng mga sarihay ng haykap ay may virion na masyadong maliit para makita sa mikroskopyong pangmata na mga sangkadaan ng laki ng karamihan ng mga baktirya.

Hindi klaro ang pinagmulan ng mga haykap sa kasaysayan ng ebolusyon ng buhay: maaaring sumunlad ang mga iba mula sa mga plasmido—mga piraso ng DNA na maaaring lumipat-lipat sa mga sihay—while others habang sumunlad ang mga iba mula sa baktirya. Sa ebolusyon, mahalaga ang mga haykap bilang paraan ng pahalang na paglipat ng kamana na nagpaparami ng kayamuang kamanahin sa paraang magkatulad sa reproduksyong seksuwal.[7] Ang mga haykap ay itinuturing ng iba bilang anyong-buhay dahil nagdadala sila ng kamanahing bagay, nagpaparami, at sumusunlad sa pamamagitan ng likas na pagpili, ngunit kulang sila ng mga mahahalagang katangian (tulad ng istruktura ng sihay) na itinuturing ng karamihan bilang kinakailangan para maituring na buhay. Dahil mayroon silang ilan pero hindi lahat ng mga katangian, inilarawan ang mga haykap bilang "organismo sa gilid ng buhay,[8] at bilang replikador.[9]

Marami ang mga paraan kung paano kumakalat ang mga haykap. Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng mga organismong nagdadala-ng-sakit na kilala bilang bektor: halimbawa, kadalasang nalilipat-lipat ang mga haykap sa mga halaman sa pamamagitan ng insektong kumakain ng yago ng halaman, tulad ng mga dapulak; at maaaring ikarga ng mga insektong sumisipsip-ng-dugo ang mga haykap sa mga hayop. Kumakalat ang haykap-trangkaso sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin. Inililipat ang mga haykap-noro at haykap-rota, karaniwang sanhi ng haykaping gastroenteritis, sa rotang dumi–pabibig, na ipinapasa sa pagdaiti at pagpasok sa katawan sa pagkain o tubig. Ang HIV ay isa sa mga haykap na lumilipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik at ng pagdaiti sa nahawang dugo. Ang "saklaw ng host" ng haykap ay ang sari-saring uri ng sihay na maaari niyang ihawa. Maaaring makitid ito na nangngangahulugang makahahawa ang haykap ng kakaunting sarihay lamang, o malawak na nangngangahulugang makahahawa siya ng marami.[10]

Pinupukaw ng mga haykaping impeksyon sa hayop ng pagtugon ng imyunidad na tumatanggal ng nakahahawang haykap. Maaari ring magawa ang mga pagtugon ng imyunidad sa pamamagitan ng bakuna na nagbibigay ng artipisyal na natamong imyunidad sa tiyak na haykaping impeksyon. Nakaiiwas ang mga ilang haykap, kabilang ang mga nagdadala ng AIDS and haykaping hepatitis, sa mga pagtugon ng imyunidad at nagreresulta sa mga talamak na impeksyon. Iilang mga drogang panlaban sa haykap ang nabuo na.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Koonin EV, Senkevich TG, Dolja VV. The ancient Virus World and evolution of cells. Biology Direct. 2006;1:29. doi:10.1186/1745-6150-1-29. PMID 16984643.
  2. Dimmock p. 4
  3. Dimmock p. 49
  4. Breitbart M. Here a virus, there a virus, everywhere the same virus?. Trends in Microbiology. 2005;13(6):278–84. doi:10.1016/j.tim.2005.04.003. PMID 15936660.
  5. Lawrence CM, Menon S, Eilers BJ, et al.. Structural and functional studies of archaeal viruses. The Journal of Biological Chemistry. 2009;284(19):12599–603. doi:10.1074/jbc.R800078200. PMID 19158076.
  6. Edwards RA, Rohwer F. Viral metagenomics. Nature Reviews Microbiology. 2005;3(6):504–10. doi:10.1038/nrmicro1163. PMID 15886693.
  7. Canchaya C, Fournous G, Chibani-Chennoufi S, Dillmann ML, Brüssow H. Phage as agents of lateral gene transfer. Current Opinion in Microbiology. 2003;6(4):417–24. doi:10.1016/S1369-5274(03)00086-9. PMID 12941415.
  8. Rybicki, EP. The classification of organisms at the edge of life, or problems with virus systematics. South African Journal of Science. 1990;86:182–86.
  9. Are viruses alive? The replicator paradigm sheds decisive light on an old but misguided question. Studies in History and Philosophy of Biological and Biomedical Sciences. 7 March 2016;59:125–34. doi:10.1016/j.shpsc.2016.02.016. PMID 26965225.
  10. Shors pp. 49–50


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.