Pumunta sa nilalaman

Viron Transit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Viron Transportation Co., Inc.
image
Ang Viron Transit sa Terminal ng Pozorrubio
Naitatag1978
Punong Tanggapan1209 Blumentritt Cor. Dapitan St., Sampaloc 1000 Manila
Lugar ng SerbirsyoKalakhang Maynila - Ilocos Sur, Pilipinas
Uri ng SerbisyoPanlalawigan
Fleet120+ vehicles (Hino, Mitsubishi Fuso, Mercedes-Benz), King Long, International Harvester, Mitsubishi Fuso (Times Transit)
TagapamahalaViron Transportation Co., Inc.

Ang Viron Transportation Company o mas kilala sa tawag na Viron Transit ay isang kompanya ng bus panlalawigan sa Pilipinas na bumibiyahe sa Hilagang Luzon.[1] Ito ay nagseserbisyo ng biyahe sa Vigan, Ilocos Sur at lumawak ang ruta nito hanggang Laoag City, Ilocos Norte matapos malugi at magsara ang Times Transit, na isang kinakapatid na kompanya (sister company) na bumibiyahe rin noon sa kasalukuyang ruta nito.[2]

Ang pangalang Viron Transit ay hango sa pangalan ni Virgilio Rondaris, anak na lalaki ng isang pilantropong milyonaryo na si Santiago Rondaris, at apo ng mga nagtatag ng dating Times Transit na sina Timoteo at Estelita Rondaris (kung saan doon hinango ang pangalan ng nasabing kompanya). Ang Viron Transit ay sinasabing inuugnay sa dating inang kompanya (mother company) na Times Transit na ngayon ay Dominion Bus Lines na pagmamay-ari ng kapatid na babae ni Virgilio na si Virginia Rondaris-Mendoza.

Naitatag noong 1978, nagsimula ang operasyon ng kompanya ng bus sa ilang International Harvester na bus na kahalintulad ng sa dating Times Transit ngunit nagkaiba lamang sa disenyo at kulay ng livery nito. Noong 1990, nakakuha ang kompanya ng mga bago at mga na-rebodied na mga bus tulad ng Mitsubishi Fuso, Hino, Mercedes Benz, at King Long. Ang mga unang International Harvester units nito, na unti-unting naluluma na, ay itinago na lamang sa isang garahe sa Pozorrubio, Pangasinan sa tapat ng terminal ng Dominion Bus Lines sa parehong lugar at ibinenta ang mga ito sa isang kolektor sa halagang PHP60,000 kada unit.

Dahil limitado ang biyahe sa ikalawang distrito ng Ilocos Sur, inookupahan na ng kompanya ang dati nitong garahe na nasa Vigan, malapit sa ISECO Vigan Sub-Office, sa likod ng Mira Hills, matapos mabuwag ang Times Transit noong nasa huling bahagi ng dekada '80. Ito ngayon ang kasalukuyang terminal ng nasabing kompanya. Mayroon din silang mga stop-over terminal at garahe sa San Fernando, La Union at Narvacan, Ilocos Sur.

Ang headquarters ng Viron Transit ay matatagpuan sa 1209 Blumentritt Cor. Dapitan St., Sampaloc, Manila, Philippines at may terminal din sila sa Cubao, Lungsod ng Quezon, sa tabi ng Victory Liner.

Sa ngayon, ang kompanya ay gumagamit ng mga bus units na Hino, Mitsubishi Fuso, Mercedes-Benz, King Long, at Daewoo, na tinatayang umabot sa 120 ang kabuuang bilang nito, kasama ang mga units nito sa kinakapatid na kumpanaya na Dominion Bus Lines.

Mga Destinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Destinasyong Panlalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Dating Destinasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ww7.redpages.ph http://ww7.redpages.ph/. Nakuha noong 2023-10-24. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Transportation in the Philippines:". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2011-07-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Buses in the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-01. Nakuha noong 2007-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na Ugnay

[baguhin | baguhin ang wikitext]