Pumunta sa nilalaman

Vorkuta

Mga koordinado: 67°30′N 64°02′E / 67.500°N 64.033°E / 67.500; 64.033
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vorkuta

Воркута
Transkripsyong Iba
 • KomiВӧркута
Kabayanan ng Vorkuta sa gabi
Kabayanan ng Vorkuta sa gabi
Watawat ng Vorkuta
Watawat
Eskudo de armas ng Vorkuta
Eskudo de armas
Lokasyon ng Vorkuta
Map
Vorkuta is located in Russia
Vorkuta
Vorkuta
Lokasyon ng Vorkuta
Vorkuta is located in Russia
Vorkuta
Vorkuta
Vorkuta (Russia)
Mga koordinado: 67°30′N 64°02′E / 67.500°N 64.033°E / 67.500; 64.033
BansaRusya
Kasakupang pederalRepublika ng Komi[1]
ItinatagEnero 4, 1936[2]
Katayuang lungsod mula noongNobyembre 26, 1943[2]
Pamahalaan
 • Tagapamahala ng Pangasiwaan[3]Igor Gurlev[3]
Lawak
 • Kabuuan29.8 km2 (11.5 milya kuwadrado)
Taas
180 m (590 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[4]
 • Kabuuan70,548
 • Taya 
(2017)[5]
58,133
 • Ranggo224th in 2010
 • Kapal2,400/km2 (6,100/milya kuwadrado)
 • Subordinado satown of republic significance of Vorkuta[1]
 • Kabisera ngtown of republic significance of Vorkuta[1]
 • Urbanong okrugVorkuta Urban Okrug[6]
 • Kabisera ngVorkuta Urban Okrug[6]
Sona ng orasUTC+3 ([7])
(Mga) kodigong postal[8]
169900
(Mga) kodigong pantawag+7 82151
OKTMO ID87710000001
Mga kakambal na lungsodAntananarivo, Vologda, Shakhty, Veliky Novgorod, San PetersburgoBaguhin ito sa Wikidata
Websaytxn--80adypkng.xn--p1ai/english/

Ang Vorkuta (Ruso: Воркута́; Komi: Вӧркута, Vörkuta; salitang Nenets na nangangahulugang "ang kasaganaan ng mga oso", "kanto ng oso")[9] ay isang lungsod na nagmimina ng karbon sa Republika ng Komi, Rusya. Matatagpuan ito sa hilaga ng Bilog ng Artiko, sa Ilog Usa sa lugar ng Pechora coal basin.

Pang-apat ang Vorkuta sa mga pinakamalaking lungsod sa hilaga ng Bilog ng Artiko at pinakasilangang bayan ito sa Europa.

Nakatuklas ang heólogong si Georgy Chernov ng mga lupang mapagkukunan ng karbong pang-industriya sa may Ilog Vorkuta noong 1930. Si Georgy ay anak ng isa pang heólogong Ruso na si Alexander Chernov, na pinaunlad ang pagpapausbong ng Pechora coal basin, na kinabibilangan ng mga lupa sa Vorkuta.[10][11] Sa pagkakatuklas na ito, nagsimula ang industriya ng pagmimina ng karbon sa Komi ASSR. Sa panahong iyon tanging mga katimugang bahagi ng mga lupang pinagkukunan ng karbon ang nakasama sa Komi ASSR. Ang hilagang bahagi, kasama ang Vorkuta, ay nakabilang sa Nagsasariling Okrug ng Nenets ng Arkhangelsk Oblast. Itinatag noong 1931 ang isang pamayanang heólogo sa bandang tabi ng lupang pinagkukunan ng karbon, at karamihan sa mga manggagawa ay mga bilanggo ng Kampong Ukhta-Pechora ng Gulag (Ухтпечлаг, Ukhpechlag).[10][12]

Kampo ng sapilitang paggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnayan ang pinagmulan ng lungsod sa Vorkutlag, isa sa mga mas-tanyag na mga kampo ng sapilitang paggawa sa sistemang Gulag, na itinatag noong 1932 kalakip ang pagsimula ng pagmimina. Ito ang pinakamalaki sa mga kampo ng Gulag sa Europeong Rusya at nagsilbing sentrong pampangasiwaan para sa maraming mga kampo at sub-kampo, kabilang ang Kotlas, Pechora, at Izhma. Naganap dito noong 1953 ang Himagsikan ng Vorkuta, isang pangunahing panghihimagsik ng mga preso sa kampo.

Noong 1941, ini-ugnay ang Vorkuta at ang sistema ng kampong paggawa na nakabatay sa paligid nito sa buong mundo sa pamamagitan ng isang daambakal (na gawa mismo ng mga bilanggo) papuntang Konosha, Kotlas, at mga kampo sa Inta. Iginawad sa Vorkuta ang katayuang panlungsod (town status) noong Nobyembre 26, 1943.[10]

Kontemporaryong panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naganap sa lungsod ang isa sa mga pinakamalalang sakuna sa minahan sa Rusya. Naganap ito noong Pebrero 28, 2016, nang sumiklab ang tumatagas na metanong gas na ikinamatay ng 32 katao, kabilang ang 26 na mga natabunang minero na nakulong sa loob ng mina dulot ng isa pang pagsabog tatlong araw na ang nakararaan na ikinasawi naman ng apat na minero.[13]

Historical population
TaonPop.±%
1959 55,668—    
1970 89,742+61.2%
1979 100,210+11.7%
1989 115,646+15.4%
2002 84,917−26.6%
2010 70,548−16.9%
Senso 2010:[4]; Senso 2002:[14]; Senso 1989:[15]
Vorkuta noong 2012

Pagsapit ng ika-21 dantaon maraming mga minahan ang nagsara dulot ng mga suliranin tulad ng tumataas na gastusin sa pagpapatakbo ng mga minahan. Sa isang punto noong kahulihan ng dekada-1980 at dekada-1990 may mga kilusang paggawa ng mga minero sa lugar na hindi nababayaran ng sahod para sa isang taon.[16][17]

Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Vorkuta.

May klimang subartiko ang Vorkuta kalakip ng maigsi ngunit malamig-lamig na tag-init at labis na maginaw at tuyong taglamig. Ang karaniwang temperatura sa Pebrero ay nasa −20 °C (−4 °F), at sa Hulyo ito ay nasa +13 °C (55 °F).

Tumatagal ang polar day sa Vorkuta mula Mayo 30 hanggang Hulyo 14, habang tumatagal ang polar night mula Disyembre 17 hanggamg Disyembre 27.

Datos ng klima para sa Vorkuta
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 1.1
(34)
1.2
(34.2)
5.3
(41.5)
12.0
(53.6)
26.5
(79.7)
31.0
(87.8)
33.8
(92.8)
30.0
(86)
24.2
(75.6)
15.6
(60.1)
4.8
(40.6)
3.5
(38.3)
33.8
(92.8)
Katamtamang taas °S (°P) −15.6
(3.9)
−16.1
(3)
−9.6
(14.7)
−5.5
(22.1)
1.7
(35.1)
12.7
(54.9)
18.7
(65.7)
14.2
(57.6)
7.8
(46)
−0.8
(30.6)
−9.5
(14.9)
−13.9
(7)
−1.3
(29.7)
Arawang tamtaman °S (°P) −19.5
(−3.1)
−20.0
(−4)
−13.9
(7)
−10.0
(14)
−1.9
(28.6)
7.6
(45.7)
13.2
(55.8)
9.7
(49.5)
4.3
(39.7)
−3.4
(25.9)
−13.3
(8.1)
−17.6
(0.3)
−5.4
(22.3)
Katamtamang baba °S (°P) −23.6
(−10.5)
−23.9
(−11)
−18.1
(−0.6)
−14.4
(6.1)
−5.2
(22.6)
3.3
(37.9)
8.2
(46.8)
5.8
(42.4)
1.3
(34.3)
−6.1
(21)
−16.5
(2.3)
−21.6
(−6.9)
−9.2
(15.4)
Sukdulang baba °S (°P) −48.0
(−54.4)
−49.4
(−56.9)
−41.0
(−41.8)
−38.5
(−37.3)
−26.3
(−15.3)
−8.4
(16.9)
−1.0
(30.2)
−4.0
(24.8)
−10.5
(13.1)
−29.0
(−20.2)
−45.1
(−49.2)
−52.0
(−61.6)
−52.0
(−61.6)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 36
(1.42)
34
(1.34)
33
(1.3)
27
(1.06)
35
(1.38)
52
(2.05)
55
(2.17)
63
(2.48)
57
(2.24)
57
(2.24)
40
(1.57)
42
(1.65)
531
(20.91)
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) 42
(16.5)
59
(23.2)
77
(30.3)
81
(31.9)
60
(23.6)
19
(7.5)
0
(0)
0
(0)
3
(1.2)
10
(3.9)
20
(7.9)
26
(10.2)
397
(156.2)
Araw ng katamtamang pag-ulan 1 0 1 3 9 16 19 22 19 10 2 1 103
Araw ng katamtamang pag-niyebe 25 21 23 19 16 4 0 0 4 18 24 26 180
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 81 80 81 79 79 72 74 82 85 88 84 82 80.6
Sanggunian: Pogoda.ru.net[18]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Law #16-RZ
  2. 2.0 2.1 Информационный портал администрации Воркуты - История Воркуты 1930-1945 годы (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 8, 2011. Nakuha noong Marso 14, 2011. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Глава городского округа (sa wikang Ruso). Mayo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 13, 2023. Nakuha noong Mayo 23, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Численность населения Российской Федерации по муниципальным образованиям на 1 января 2017 года". 2017-07-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-31. Nakuha noong 2017-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Law #11-RZ
  7. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  9. "About city". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2016. Nakuha noong 11 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 10.2 "История Воркуты" Naka-arkibo 2018-07-04 sa Wayback Machine.(sa Ruso)(retrieved August 3, 2004)
  11. "История Воркуты"(sa Ruso)(retrieved August 3, 2004)
  12. "Историческая справка. МО ГО "Воркута"" Naka-arkibo 2016-02-16 sa Wayback Machine.(sa Ruso) (retrieved August 3, 2004)
  13. "Russian Coal Mine Accident in Vorkuta Kills 36, Including 5 Rescuers". Associated Press. 28 Pebrero 2016. Nakuha noong 28 Pebrero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Vorkuta Miners Hold Authorities Prisoners". Russia Today. www.aha.ru. Nakuha noong 2008-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Keller, Bill (1990-08-27). "At Gulag Cemetery, a Struggle Against Forgetting". The New York Times. ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2015-10-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Pogoda.ru.net" (sa wikang Ruso). Nakuha noong Pebrero 16, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga pinagkunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]