Pumunta sa nilalaman

Vänersborg

Mga koordinado: 58°22′50″N 12°19′30″E / 58.38056°N 12.32500°E / 58.38056; 12.32500
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vänersborg
Ang Vänersborg noong Hulyo 2006
Ang Vänersborg noong Hulyo 2006
Vänersborg is located in Västra Götaland
Vänersborg
Vänersborg
Vänersborg is located in Sweden
Vänersborg
Vänersborg
Mga koordinado: 58°22′50″N 12°19′30″E / 58.38056°N 12.32500°E / 58.38056; 12.32500
BansaSuwesya
Lalawigan (sinauna)Västergötland
LalawiganLalawigan ng Västra Götaland
BayanBayan ng Vänersborg
Lawak
 • Kabuuan11.57 km2 (4.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2010)[1]
 • Kabuuan21,699
 • Kapal1,876/km2 (4,860/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (OGE)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (OTGE)

Ang Vänersborg (tungkol sa tunog na ito pagbigkas) ay isang pamayanan at luklukan ng Bayan ng Vänersborg, Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya na may 21,699 na mamamayan (sa kabuuang santauhan ng bayan na 37,369). Hanggang 1997 ito ang punungbayan ng Lalawigan ng Älvsborg, na binuwag noong 1998. Simula noong 1999 ang Vänersborg ay naging luklukan ng batasang pampook ng Lalawigan ng Västra Götaland. Ang lungsod ay matatagpuan sa katimugang pampang ng lawa ng Vänern, malapit kung saan dumadaloy palabas ang ilog Göta älv.

Noong mga katapusan ng Gitnang Kapanahunan, isang pamilihan ang itinatag sa Brätte sa may katimugang dulong bahagi ng Vassbotten (pinakatimog na bahagi ng Vänern), na sa kasalukuyang timog ng Vänersborg. Ang pamayanan ay may mga sementadong kalsada na pinalilibutan ng mga kabahayan at kabukiran at noong 1580, ito ay pinagkalooban ng karapatang pambayan. Ngunit ang mga lupang-sakop nito ay hindi naging angkop sa pagdadala ng mga kalakal dahil sa pagbabanlik ng daungan nito, na naging mahirap upang mapangalagaan ang mga kalakal. Kaya noong 1644, ilinipat ang bayan sa layong 3½ kilometro hilaga ng Huvudnäset, at ang bagong bayan ng Vänersborg ay naitatag kahit may pag-aatubili sa mga mamamayan.[2]

Ang pangalan ng "Vänersborg" ay nangangahulugang "kuta sa Vänern". Ito ay nanggaling sa kutang itinayo noong 1644 upang sanggalan ang bayan. Ang kutamaya din ay noon pa mang taong 1644, na isinasalarawan ang isang ginintuang daong (isang bojort[3]) na may dalawang watawat ng Suwesya.

Noong mga 1800, ang Vänersborg ay may santauhang 1,500 mamamayan. Ang Vänersborg ay naging isang dako kung saan linululan ang mga inaangkat ng mga daong patungong Talon ng Trollhättan (at pabalik) at nagpapatuloy sa Gotemburgo at sa ibang pang pook. Ang Agusan ng Haring Carlos ay binuksan noong 1778 sa pagitan ng Vänersborg at Trollhättan na siyang ikinaigsi ng pagbubuhat ng daong sa lupa. Binuksan naman noong 1800 ang Agusan ng Trollhätte na kung saan sa pamamagitan ng mga tarangkahang pantubig nito ay maaari nang tumungo ang mga daong sa pagitan ng Vänern at ng dagat.[3] Ang alulusan sa pagitan ng Vanern at Gotemburgo ay naging mahalagga sa pag-unlad ng bayan.

Ang Vänersborg noong 1833, isang taon bago mangyari ang malawakang sunog.

Natupok ng apoy ang karamihan ng mga kabahayang gawa sa kahoy noong 1834. Muling itinayo ang bayan na may daang nakapatayo at nakapahalang na magpasahanggang ngayon ay katangi-tangi sa Vänersborg.[kailangan ng sanggunian]

Ang Torpaskolan (mataas na paaralan) ay unang binuksan noong 1965 at pinalitan naman ng Nya Torpaskolan noong 2011. Ang Arena ng Vänersborg ay binuksan noong 2009.

Ang Vänersborg ay may malamig na kapanahunang pangkaragatan.[4] Ito rin ay may mamasa-masang kapanahunan kaysa sa ibang bahagi ng Suwesya. Ito ay may balasak na kadanligan na 709.1 kalibopanukat mula 1961 hanggang 1990.[5] Sa panimula ng ika-21 dantaon tumaas ang kadanligan dito. Ang pagkakaiba sa pagitan ng tag-araw at tag-yelo ay higit na maliit kung ihahambing sa karamihan ng mga katihan ng Suwesya, dahil na rin ito ay malapit sa Kattegat at sa lawa ng Vänern. Sa kabila nito, masasabi ring ang kapanahunan ay isang panlupalop kahit ito ay may uring karagatnin. Ang pook sa may baybayin ng lawa ng Vänern ay binabago ang kapanahunan na nagdadala ng higit na ulan at hangin, at maaaring mapaigting ang niyebe bunga ng lawa tuwing tag-yelo.

Datos ng klima para sa Vänersborg 2002–2018; sukdulan mula noong 1901
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 10.5
(50.9)
14.9
(58.8)
21.0
(69.8)
26.6
(79.9)
28.7
(83.7)
32.0
(89.6)
33.1
(91.6)
33.0
(91.4)
26.7
(80.1)
21.3
(70.3)
14.1
(57.4)
11.7
(53.1)
33.1
(91.6)
Tamtamang pinakamataas °S (°P) 7.5
(45.5)
7.5
(45.5)
12.6
(54.7)
19.1
(66.4)
24.3
(75.7)
26.2
(79.2)
28.3
(82.9)
26.8
(80.2)
23.1
(73.6)
16.9
(62.4)
11.8
(53.2)
8.5
(47.3)
29.4
(84.9)
Katamtamang taas °S (°P) 1.4
(34.5)
1.7
(35.1)
5.5
(41.9)
11.4
(52.5)
16.4
(61.5)
19.7
(67.5)
22.1
(71.8)
20.8
(69.4)
17.1
(62.8)
11.1
(52)
6.2
(43.2)
3.1
(37.6)
11.37
(52.48)
Arawang tamtaman °S (°P) −1.2
(29.8)
−1.1
(30)
1.5
(34.7)
6.3
(43.3)
11.2
(52.2)
14.5
(58.1)
17.1
(62.8)
16.2
(61.2)
12.8
(55)
7.5
(45.5)
3.6
(38.5)
0.5
(32.9)
7.41
(45.33)
Katamtamang baba °S (°P) −3.8
(25.2)
−3.9
(25)
−2.5
(27.5)
1.2
(34.2)
5.9
(42.6)
9.3
(48.7)
12.1
(53.8)
11.6
(52.9)
8.4
(47.1)
3.9
(39)
1.0
(33.8)
−2.1
(28.2)
3.42
(38.17)
Tamtamang pinakamababa °S (°P) −15.2
(4.6)
−13.4
(7.9)
−11.1
(12)
−5.3
(22.5)
−1.4
(29.5)
3.7
(38.7)
6.9
(44.4)
5.1
(41.2)
0.4
(32.7)
−3.9
(25)
−7.3
(18.9)
−11.9
(10.6)
−18.2
(−0.8)
Sukdulang baba °S (°P) −28.0
(−18.4)
−32.5
(−26.5)
−26.9
(−16.4)
−19.0
(−2.2)
−3.5
(25.7)
0.2
(32.4)
2.9
(37.2)
1.1
(34)
−4.0
(24.8)
−11.9
(10.6)
−16.8
(1.8)
−25.5
(−13.9)
−32.5
(−26.5)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 66.0
(2.598)
46.7
(1.839)
39.7
(1.563)
44.9
(1.768)
53.2
(2.094)
81.5
(3.209)
81.2
(3.197)
94.4
(3.717)
68.2
(2.685)
85.6
(3.37)
86.1
(3.39)
85.4
(3.362)
832.9
(32.792)
Sanggunian #1: SMHI Open Data[6]
Sanggunian #2: SMHI Monthly Data 2002–2018[7]

Ang pagkikimot, pangangalakal, pag-aangkat at ang dati nitong katayuan bilang punungbayan ng Lalawigan ng Älvsborgs ay nakatulong sa pagpapaunlad ng Vänersborg. Simula noong mga ika-17 dantaon, karamihan sa mamamayan nito ay mga tagapangasiwa, mangangalakal, at mga bihasang manggagawa at mangingimot. Sa kasalukuyan ang bayan ay bantog sa mga maypagawa ukol sa mahugnay na aghimuing agsikapan, AP, katuruan at bihasang paglilingkod. Ang pangangasiwang pambayan ay mayroon pa ring mahalagang gampanin.

Maraming mga paaralan sa Vänersborg. Kabilang dito ang Torpaskolan, Tärnanskolan, Vänerskolan, Mataas na Paaralan ng Birger Sjöberg at pati na rin ang paaralang ng Fridaskolan.

Arena ng Vänersborg

Ang kapisanang pang-bandy na IFK Vänersborg ay lumalaban sa pinakamataas na hanay ng Elitserien at ang Blåsuts BK naman ay kadalasang lumalaban sa susunod na mababang hanay ng Allsvenskan. Ang Arena ng Vänersborg ay isang panloob na arena sa palakasang bandy. Gumawa ng ingay ang Arena ng Vänersborg dahil lumabis ang paggugol sa pagpapatayo nito na umabot sa 300,000,000.00 SEK o higit pa.

Pinaunlakan ng Vänersborg ang Pandaigdigang Kampeonato ng Bandy ng 2013 sa pangkat panlalaki.[8] Sa pangalawang pagkakataon, ang Pangkat A ay isang hiwalay na pangyayari.[9] Sa susunod na mangyayaring palaro sa 2019, magiging kasali na ang dalawang pangkat.

Ang Vänersborg ay binubuo ng maraming maliliit at malalaking mga kapookan: Onsjö, Mariedal, Blåsut, Vargön, Lilleskog, Korseberg, Torpa, Nordstan, Restad at Öxnered.

Noong 22 Nobyembre 2010, nagbitiw sa tungkulin ang punong-bayan ng Vänersborg na si Lars-Göran Ljunggren (Sosyaldemokrata) dahil sa pagkasangkot sa dalawang alingasngas ng Arena ng Vänersborg kung saan lubos na lumabis ang paggugol nito sa naunang pagtataya, at sa kasunduan nito sa Toppfrys na siniyasat ng Samahang Europeo. Nanilbihan si Ljunggren nang 30 taon sa Sangguniang Lungsod ng Vänersborg, at nang tatlo't kalahating taon bilang punong-bayan. Noong 2011, sinundan siya ng isang Konserbador na banwahanin na si Gunnar Lidell. Simula noong halalan ng 2014, si Marie Dahlin ang punong-bayan, isang Sosyaldemokrato.

Bantog na mga mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang makatang si Birger Sjöberg (1885–1929) ay ipinanganak sa Vänersborg. Nagsulat siya ng mga paghahanga ukol sa Vänersborg, lalo na sa Fridas bok (1922), kung saan makikita ang paghahambing na "Vänersborg – ang maliit na Paris". Ang Skräckleparken ay isang liwasan sa kahilagaang bahagi ng Vänersborg. Nagbibigay ito ng magandang tanawin ng lawa ng Vänern at dito rin matatagpuan ang bantayog ng Ragnar.

Ang kilalang manunuklas at mangangalakal na Suweko na si Axel Eriksson ay ipinanganak din sa Vänersborg. Itinatanghal sa Museong Pambayan ang kalipunan ng mga ibon mula sa timog-kanluraning Aprika na kinalap din ni Eriksson.

Isa sa mga kasapi ng pangkat-mang-aawit ng Junip na si José González ay lumaki rin sa Vänersborg.

Ang mang-aawit na si Agnes Carlsson ay ipinanganak sa Vänersborg.

Ang pangkat-mang-aawit na punk rock na Division of Laura Lee ay nagmula sa Vänersborg.

Ang tagalalang ng pelikulang Hip Hop na si Tommy Black ay ipinanganak sa Vänersborg.

Karagdagang kaalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Tätorternas landareal, folkmängd och invånare per km2 2005 och 2010" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. 14 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2012. Nakuha noong 10 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Brätte - Ang lungsod bago ang Vänersborg". Museo ng Vänersborgs. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Paglalayag sa Lawa Vänern" (PDF). Vänerregionens Naringslivsrad. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-04-02. Nakuha noong 10 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Vanersborg, Buod ng Kapanahunan ng Suwesya". Weatherbase. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2020. Nakuha noong 17 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Precipitation mga balasak mula 1961 hanggang 1990 (Suweko)". SMHI. Nakuha noong 17 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "SMHI Öppen Data för Vänersborg" (sa wikang Suweko). Swedish Meteorological and Hydrological Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-11. Nakuha noong 2019-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Års- och månadsstatistik" (sa wikang Suweko). SMHI. 24 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2019. Nakuha noong 20 Agosto 2019. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "worldbandy.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2012. Nakuha noong 3 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. bandynet.ru

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]