Pumunta sa nilalaman

Wikang Asi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Asi[1]
Katutubo saPilipinas
RehiyonRomblon
Mga natibong tagapagsalita
75,000 (2011)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3bno
Glottologbant1288
Mapa ng Wikang Asi base sa Ethnologue
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang Wikang Asi ay isang rehiyonal na wikang Bisaya na sinasalita, kasama ang mga wikang Romblomanon at Onhan, sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas. Ang Asi ay nagmula sa pulo ng Banton, Romblon at kumalat sa mga karatig na pulo ng Sibale, Simara, at sa mga bayan ng Odiongan at Calatrava sa Pulo ng Tablas. Ang mga Asi na mananalita ay tinatawag na Odionganon sa Odiongan, Calatravanhon sa Calatrava, Sibalenhon sa Concepcion, Simaranhon sa Corcuera, at Bantoanon sa Banton.

Sa partikular, ito ay sinasalita sa mga sumusunod na mga pulo sa loob ng Romblon:

Itinatala ng lingguwistang si David Zorc na ang mga Asing mananalita ay maaaring naging ang unang mga Bisayang mananalita sa rehiyon Romblon.

Mayroong labing-anim na katinig ang Asi: p, t, k, b, d, g, m, n, ng, s, h, w, l, r at y. May apat na patinig: a, i/e, at u/o.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]