Wikang Hawayano
Hawayano | |
---|---|
ʻŌlelo Hawaiʻi | |
Rehiyon | Hawaiʻi: nakasentro sa pulo ng Niʻihau at Hawaiʻi, ngunit may mga tagapagsalita sa Kapuluang Hawayano at ng Estados Unidos |
Pangkat-etniko | Mga katutubong Hawayano |
Mga natibong tagapagsalita | 2,000 (1997)[1] hanggang 24,000+ (2006-2008)[2] |
Latin (Alpabetong Hawayano) | |
Opisyal na katayuan | |
Hawaiʻi (kasama ng Ingles) kinikilala bilang wika ng menoridad sa ilang bahagi ng: Estados Unidos | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | haw |
ISO 639-3 | haw |
ELP | Hawaiian |
Ang wikang Hawayano[3] (Hawayano: ʻŌlelo Hawaiʻi) ay isang katutubong wikang Awstronesyo (parehong pamilya ng wikang Tagalog) ng mga katutubong tao ng Kapuluan ng Haway at Polinesya. Opisyal na wika itong lengguwahe, kasama ang Ingles, sa Estado ng Haway. Ang wikang Hawayano ay importanteng parte ng Hawayanong kultura, musika, at iba pa, ngunit sa pribadong islang Niʻihau lamang ginagamit ang wikang ito araw-araw. Huwag ilito ang wikang Hawayano sa Kreyol ng Hawaiʻi na hango sa wikang Ingles.
-
Mapa ng Haway (Niʻihau sa pula)
-
Hawayano ngayon
-
Hawayana, 1899
-
Ang Haring David Kalākaua, mga 1882
Mga Salitang Espiritwal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hawayano ay espiritwal na lengguwahe, at puno siya ng mga salitang espiritwal. Mga halimbawa ay:[4]
salita | ibig sabihin |
---|---|
akua | diyos, diyosa, espiritu, parang katulad sa Hapong kami |
hiwa | gustong kaitiman, katulad ng itim na baboy na inaambag sa mga diyos |
kahuna | pastor, salamangkero, mahiko, pari |
laʻa | sagrado, banal |
Nāmū | mga maliliit na espiritu, mga silente |
Nāwā | mga maliliit na espiritu, mga maingay |
ʻuhane | anito, espiritu |
Ponolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa loob nang / / ang ponema sa IPA. Ang grapemo ay nasa loob nang < >.
Katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]<p k ʻ h l m n w>
/p k ʔ h l m n w/
Ang ʻokina <ʻ> ay espesyal na letra, na sa Unicode ay sa heksadesimal na kodong 02BB. Itong letra ay may tunog ng glotalisasyon /ʔ/, katulad ng gitna ng dalawang <a> sa <saan> sa Tagalog /saˈʔan/.
Ang tunog[5] ng <w>:
- pagkatapos ng <i> o <e> ay malimit nang /v/;
- pagkatapos ng <u> o <o> ay malimit nang /w/;
- sa kaunahan ng salita o pagkatapos ng <a> ay tunog nang /v/ o /w/.
Patinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]<a ā e ē i ī o ō u ū>
/a aː e eː i iː o oː u uː/
May maikli at mahabang bersiyon ng bawat patinig. Ang /a/ ay may mga varyant nang [æ⁓a⁓ɐ⁓ə]. Ang /e/ ay may mga varyant nang [ɛ⁓e/i].
Diptonggo
[baguhin | baguhin ang wikitext]<ae ai ao au ei eu iu oi ou>
/ae aj ao aw ej ew ju oj ow/
<oe> ay hindi diptonggo, ngunit may tunog nang /owe/.
Akcento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salitang Hawayano ay may isa o higit sa isang parteng salitang may aksentong may patinig [V], o may patinig [V] at katinig [K]:
parteng salitang may aksento | halimbawa | lugar ng aksento |
---|---|---|
(K)VKV | ahi, kahi | penultimong silaba |
(K)V(K)V(V)KV | uahi, aloha, huali, kakahi, Hawaiʻi | penultimong silaba |
(K)VV | ai, wai, ā, nā | sa diptonggo o sa mahabang patinig |
(K)V(K)VV | uai, uhai, kuai, wawai, iā, inā, huā | sa diptonggo o sa mahabang patinig |
Ang mga dalubwika at mga espesyal na diksiyonaryo'y gumagamit ng puntong <.> para ihiwalay ang mga parteng salitang may aksento, ngunit sa malimit na baybay ay hindi ginagamit.
May dausdos na katinig bilang /j/ at /w/ sa gitna ng mga patinig sa parteng salita. Halimbawa, ang parteng salitang <huali> ay bigkas nang /huˈwali/; ang parteng salitang <iā> ay bigkas nang /iˈjaː/.
Mga halimbawa ng mga kompletong salita:
salita | bigkas | ibig sabihin |
---|---|---|
kana.kē ʻele.ʻele | /ˈkana.ˈkeː ˈʔele.ˈʔele/ | regaliz, licorice |
haili.moa | /ˈhajli.ˈmowa/ | tipo ng shell |
ipu.kukui | /ˈipu.kuˈkuwi/ | lampara |
Orden ng Pangungusap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hawayanong pangungusap ay malimit na may orden nang VSO: Berbo-Sabjek-Objek, katulad sa Tagalog na <Kumakain ang pusa ng isda>.
Aspekto, Tens, Modo
[baguhin | baguhin ang wikitext]salita | ibig sabihin |
---|---|
ua berbo | perpektong aspekto |
ʻaʻole i berbo | negatibong perpektong aspekto |
e berbo ana | imperpektong aspekto |
ʻaʻole e berbo ana | negatibong imperpektong aspekto |
ke berbo nei | presenteng tens |
ʻaʻole e berbo nei | negatibong presenteng tens |
e berbo | imperatibong modo |
mai berbo | negatibong imperatibong modo |
Halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]ʻO ia ke kahuna.
Siya ay ang salamangkero.
He kahuna kē.lā.
Salamangkero iyon.
Ua ʻai ke kanaka i nā kowa.ū.
Kumain ang tao ng mga itlog ng isda.
E ʻai ʻoe i nā kowa.ū.
Kainin mo ang mga itlog ng isda.
ʻAʻole i ʻai ʻoe i ka maiʻa.
Hindi mo kinain ang saging.
Ke hia.moe nei ʻo Pili.
Natutulog si Pili.
ʻAʻole e hia.moe nei ʻo Pili.
Hindi natutulog si Pili.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lyovin (1997:258)
- ↑ U.S. Census (2010)
- ↑ Panganiban, Jose Villa. (1969). "Hango sa Haway". Concise English-Tagalog Dictionary.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pukui, Mary Kawena, & Elbert, Samuel H. Hawaiian Dictionary, Revised and Enlarged Edition. Honolulu, Hawaiʻi, USA: University of Hawaiʻi Press, 1986.
- ↑ Pukui, Mary Kawena, & Elbert, Samuel H. Hawaiian Grammar. USA: University of Hawaiʻi Press, 1979.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.