Wikang Klingon
Ang wikang Klingon o tlhIngan Hol sa wikang pang-Klingon ay isang kathang-isip na lengguwahe na sinasambit ng mga katauhang Klingon sa mga kathang-isip na kuwentong pang-agham ng Star Trek. Nilikha ito ni Marc Okrand. Tinagurian din itong Klingonese nang bigkas na /klɪŋɒˈniz/ (o kung itagalog ay Klingones nang bigkas na /klɪŋoˈnɛs/). Iba ito sa wikang Klingonaase na dinebelop ni John M. Ford.[1] Sinasabi ng mga dalubhasa sa kathang-isip na mundo ng Star Trek na may iba pang mga diyalekto ang mga karakter na Klingon.[2] Ang sulat ng Klingon ay pIqaD kung tawagin.
Halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]
Ilang mga halimbawa ng mga salitang Klingon ang mga sumusunod:[2]
- Qapla' - isang pagbati, na nangangahulugang "tagumpay" {kaya ang Qapla'! ay: Magtagumpay ka!, Sumaiyo nawa ang tagumpay! o Makamit mo sana ang tagumpay!} (ginagamit katulad ng paggamit natin ng Mabuhay! at Maligayang pagdating!)
- Qo'noS - ang pinakapangunahing tahanang-planeta ng mga Klingon
- bat'leth (o betleH) - isang sandatang may apat na tabas ng talim, na ginagamit sa pamamagitan ng dalawang kamay
- bekk (o beq) - isang ranggong pansundalo sa hukbong pansandatahan ng mga Klingon
- Gre'thor (o ghe-tor) - ang impiyerno, na nararating ng mga Klingon na hindi naging marangal sa pakikipag-digmaan
- jIH - isang salitang nangangahulugan ng "ako ay"
- jeghpu'wI - mga sinakop na mamamayang hindi Klingon, higit pa ang kahulugan nito kung ikukumpara mula sa salita nating alipin
- petaQ (o pahtk) - isang salitang nakakainsulto
- Sto-Vo-Kor (o Suto'vo'kor) - ang paraiso, ang kabilang-buhay para sa mga mararangal na sundalong Klingon
- raktajino (o ra'taj) - ang "kape" ng mga Klingon
May kawikaan (proverb) ang mga Klingon na: "Isang hangal lamang ang nakikidigma sa loob ng isang nasusunog na."
Sulat sa pIqaD[baguhin | baguhin ang batayan]
Tinig[baguhin | baguhin ang batayan]
/IPA/
Labyal | Dental o Albeyolar | Retropleks | Post-albeyolar o Palatal |
Belar | Ubular | Glotal | |||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sentral | Lateral | ||||||||
Plosib | walang boses | p /pʰ/ | t /tʰ/ | q /qʰ/ | ' /ʔ/ | ||||
maboses | b /b/ | D /ɖ/ | |||||||
Aprikeyt | walang boses | tlh /t͡ɬ/ | ch /t͡ʃ/ | Q /q͡χ/ | |||||
maboses | j /d͡ʒ/ | ||||||||
Prikatib | walang boses | S /ʂ/ | H /x/ | ||||||
maboses | v /v/ | gh /ɣ/ |
|||||||
Nasal | m /m/ | n /n/ | ng /ŋ/ |
||||||
Tril | r /r/ /ɹ/ |
||||||||
Aproksimant | w /w/ | l /l/ | y /j/ |
Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Ford, John M. The Final Reflection (1984).
- ↑ 2.0 2.1 DeCandido, Keith R.A. Star Trek, Klingon Empire, A Burning House, Pocket Books, Simon & Schuster, Inc., CBS Studios, Inc., New York, (2008), dahon 16, 391 hanggang 398, at iba pang mga pahina, ISBN 978-1-4165-5647-3 at ISBN 1-4165-5647-8
![]() | Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Klingon language " ng en.wikipedia. |
Mga talaugnayang panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
- Klingon Language Institute
- Klingon and its User: A Sociolinguistic Profile — Sosyolingguwistika — M.A. Thesis
- Klingon as Linguistic Capital: A Sociologic Study of Nineteen Advanced Klingonists (PDF) (HTML version) — Sosyolohiya — Bachelor's Thesis; kabilang ang talaan ng mga kanonikal na mga salita at mga neolohismo o slang
- Klingonska Akademien
- Is Klingon an Ohlonean language? A comparison of Mutsun and Klingon
- Omniglot: Klingon Alphabet
- Deutsche-Welle's Klingon Language Service
- BBC article on Deutsche-Welle's Klingon Language Service
- impormasyon tungkol sa mga Skybox Trading card, na may sulat-kamay na pang-Klingon
- Klingon Wikia: isang ensiklopedyang nakasulat sa wikang Klingon
- Klingon wikia dictionary in Klingon
- Google na nasa wikang Klingon
- Klingon Rock
- Deutsche Welle Germany's International broadcaster goes Klingon
- Klingon Custom Culture for Windows Vista